"Wow." manghang saad ni Eli nang makita Ang isang malaking palasyo.
"Careful My Princess.." Inilahad ni Lucius ang kamay niya para alalayan si Eli. Nag dadalawang isip pa si Eli kung tatanggapin niya ito dahil kaya naman niya bumaba ng mag isa.
Kaso, inulit muli ni Lucius ang pag aaya sa kamay niya kaya inabot na niya.
Muntik matapilok si Eli kaka libot nya ng mata niya sa paligid. "I said careful." saad ni Lucius.
Bumungad sa kanila ang dalawang malaking bantay sa pintuan. Ibinigay ni Eli ang invitation card niya at pumasok na sila.
Pinag tinginan sila ng mga tao sa loob. Nahiya si Eli at nainis naman si Lucius. Ayaw ni Eli maging center of attraction gayon din naman si Lucius.
Naglaway si Eli ng makita ang mga nakahaing pagkain.
"Where are you going?" tanong ni Lucius ng mapansin na aalis si Eli.
"Diyan lang."
"wait, sama ako." sagot ni Lucius kaso umiling si Eli.
"No, mag enjoy ka lang diyan maglibot ka muna." saad ni Eli, gusto lamang niyang mapag isa para maka kain ng maayos.
"NO. Baka mapano ka."
"Kaya ko sarili ko." Napa buntong hininga na lamang si Lucius. Pumunta na lamang siya sa sulok at pinag masdan si Eli.
"yummmm." ang saya ni Eli habang nakain. "I'm glad pumunta ako dito andaming pagkain."
Tuloy tuloy lang siya habang nakain nang biglang may lumapit.
"Eleonora?" nagulat siya ng magsalita ang pamilyar na boses. Nilingon niya ito habang kumakain. Nagulat siya. Tama nga siya si Theo.
Sa kabilang banda kumunot naman ang noo ni Lucius habang pinag mamasdan si Eli at Theodore na nag uusap lalapitan na sana niya ito nang mahagip ng mata niya ang Butler niya.
"Hmm?" tanging sagot ni Eli habang kumakain.
Napansin nya ang suot ni Theo. Parang ito yung damit na nakita niya sa kahon na iniregalo ni Theo. Hindi kaya partner sana sila? Or nag kamali lang si Theo na sa kaniya naipadala? Tama, dahil si Lily ang gusto nito paanong sa kaniya iregalo ang damit na ka partner ng suot niya? Buti na lang ibinalik ito ni Eli kay Lily.
"B-bakit hindi mo suot?" naguguluhang tanong ni Theo sa kabila ng paghanga niya ngayon kay Eli dahil sa kagandahan nito.
Iniisip niya na hindi ba ni Eli ito nagustuhan or ayaw na ba talaga nito sa kaniya? Or may pinaplano siya?
"Huh?" tanong ni Eli, hindi sya sure kung anong ibig sabihin nito.
"THEO!" napalingon sila sa nagsalita. Yes si Lily iyon. Mas lalong nadagdagan ang pagkalito ni Theo nang makita ang suot ni Lily.
Suot niya ang damit na iniregalo niya para kay Eli.
"Thank you ang ganda ng damit,wow couple pa tayo ah.." Nakangiting saad ni Lily habang niyakap ang braso ni Theo.
"Oh nandyan ka pala Eleonora." Sarkatiskong sabi ni Lily. Akala niya siguro ay naiinggit sa kaniya si Lily.
Hindi iyon narinig ni Eli dahil umalis siya para kumuha ng ibang putahe. Dahil don nainis si Lily. Habang si Theo naman hindi maipaliwanag ang pighating nararamdaman.

YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
Roman d'amourPROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...