"Aking Prinsesa." malambing na sabi ni Lucius kay Eli na nakatulala.
Iniisip niya kasi kung pano mag karoon ng pagkaka kitaan. Total e importante sa kanila ang tagapag pagamot bakit hindi sya mag imbento ng mga potion?
Wala naman syang kapangyarihan kaya gagawa na lamang sya ng mga potion sa isip isip niya.
Ano nga ba ulit tawag sa mga tagapag pagaling? Sai.. Saintess ata!
"Prinsesa..." pag tawag ni Lucius kay Eli. Gusto ni Lucius ng atensyon ni Eli kaya kanina niya pa ito kinukulit.
Kanina pa kasi siya hindi nito pinapansin kasi busy sa pag iisip.
Umupo si Lucius sa tabi ni Eli at hinawakan ito sa baba upang iharap sa mukha niya.
Wrong move kasi sobrang kinikilig siya. Kaso gusto niya na talaga na ibaling ni Eli ang atensyon nito sa kaniya.
"Bakit?" ngumisi ng nakakaloko si Eli at inilapit pa lalo ang mukha niya kay Lucius. Hindi nya alintana ang pag sikip ng dibdib ni Lucius at ang kuryenteng dumadaloy sa katawan nito.
Konting lapit pa...
Sabik na sabik si Lucius na lumapit pa lalo ngunit nabigla siya ng biglang tumayo si Eli.
"YES! may naisip na ako. Tara Lucius." Aya ni Eli. Hindi nya alam na ang ginawa niya pala ay malaki ang epekto kay Lucius.
Lumabas sila sa kwarto ni Eli. Hindi nila inaasahan na makaka salubong nila si Theo at Lily.
Kumunot ang noo ni Theo, naglabasan din ang ugat nito sa pag kuyom ng kamao.
"Sino sya?" nag pipigil na tanong ni Theo.
Samantalang si Lily naman ay nakangising tinignan si Lucius mula ulo hanggang paa. Mukhang may Plano na naman itong agawin si Lucius.
Kinakabahan si Eli na tumingin kay Lucius. Ineexpect niya na matutulala ito kay Lily. Pero Hindi, mukha pang naiinip ito.
"Si Lucius." Sagot naman ni Eli.
"Ah, yung nababalitaan ko na alila mo? totoo pala yon." nanlalait na saad ni Theo pinapatamaan si Lucius.
Matalim na tinignan ni Lucius si Theo, sabik na sabik siyang burahin ito sa mundo. Hindi sya natutuwa sa paraan ng pagtingin nito kay Eli. Kung pwede lang tang*alin ang mata nito ay ginawa na niya.
Pero ayaw nya na masira ang imahe niya kay Eli.
" Sino ka ba?" Kalmadong tanong ni Lucius Hindi nya inaasahan ang sagot ni Theo.
"Her husband." Taas noong sagot nito, hindi na naisip na kasama niya si Lily.
Hindi akalain ni Lucius na may asawa si Eli. Naiinis siya ngayon pero ngumiti padin sya..
" Husband huh, wala namang sinasabi sakin na ganon si Eli. That means hindi ka ganon ka importante." nakangiti na sagot ni Lucius..
Masama na ang timpla ng aura nilang dalawa.
Eli? Ganon ba sila ka close? isip isip ni Theo.
"Hindi ko sya alila, importante sya sakin." sagot naman ni Eli.
Kumalma ang pakiramdam ni Lucius. Feeling nya tuloy ay mas lamang siya kesa sa hangal na lalaki na nasa harap niya.
Pinipigilan niya ang ngiti nya ng hilahin siya ni Eli palayo don. Tinignan pa niya muli ang naiwan na si Theo na masama ang tingin sa kanila. Sinamaan niya ito ng tingin at sinabi na.
"She's mine." ngunit hindi narinig ni Eli, tanging si Theo lamang ang may alam sa sinabing iyon ni Lucius.
Galit na galit si Theo, at sobrang bigat ng pakiramdam niya.
Never in my life na may umagaw sa pag mamay ari ko. Saad niya sa sarili niya. Hindi ko hahayaan na makuha mo siya.

YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
RomansPROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...