"Kumusta ka, Amber?" Tanong ni Valerie. Nandito kami ngayon sa Sala gumagawa rin siya ng activity niya.
"Ako? Ayos lang naman ako Val," sambit ko.
"Bilib ako sayo, Ambere"
"Ambere?" Tanong ko.
"Ambere, ang cutie kaya non…" sagot niya. Ngayon ko Lang nakita ang side ni Valerie na ganito. Totoong mabait si Valerie.
"Alam mo Amber minsan naiinis na ako kay Juliet. Kasi minsan sila ni mama grabe na yung mga sinasabi sayo…" tiningnan ko siya.
"Ano ka ba, sanay na ako. Atska ayos na yon atlest hindi ako pinapaalis ng nanay mo dito…" sagot ko sakniya
"Amber, may mga luma akong damit sa itaas. Aayusin ko bukas yung bibigay ko sayo. Kasya mo yon. Sayo na lang para naman hindi ka mukhang kawawa sa damit ni mama na suot mo. Tignan mo nga butas na yan," sambit niya sabay turo sa butas ng suot kong damit.
"Nagagamit pa naman to eh, baka magalit nanay mo pag binigyan mo ako." Sabi ko sa kaniya. She sighed.
"Ako ang bahala kay mama." Sambit niya at nagpatuloy na sa ginagawa. Ilang oras rin ang tagal namin sa sala ng dumating si Juliet.
"Ate Val," sambit nito galing sa kwarto nila.
"Pahiram na kasi ng denim pants mo… kasya ko naman yon eh," pagkukulit niya sa ate niya.
"Hindi. Ibibigay ko kay Amber yon, marami ka namang pantalon, Juliet." Sagot ni Ate Val na ngayon ay katabi ko nag ce-cellphone. Tinignan ako ni Juliet.
"Bakit mo bibigay sa babaeng yan? May nga pantalon rin naman siya!" Sambit ni Juliet at tiningnan ako.
"Mas marami ang sayo. Umakyat kana dahil hindi desidido na ako bibigay ko kay Amber yon."
"Ate Val! Susumbong kita kay mama! Kinakampihan mo yang sambid na babaeng yan!" Sigaw ni Juliet. Natahimik ako.
"Hindi ko siya kinakampihan. May pera naman si Mama kayang kaya niya tayong bilhan ulit ng bago. Si Amber wala, tingnan mo ang mga damit niya pinag lumaan ni mama." Sagot ni Ate Val.
"Nakakainis ka talaga Amber!" Sigaw ni Juliet sakin at naglakad na paalis.
"Pagpasensyahan mo na yan, minsan talaga copy siya ni mama." Pag Humingi ng tawad ni Ate Val.
Kinabukasan ay hapon pa naman ang pasok ko. Naglinis muna ako sa bahay. Inuna ko ang mga gawaing bahay bago ang akin. Nang matapos ay nagpapahinga muna ako sa Sala. May iniwan na ulam ni Tita Susan para sa mga anak niya. Si Juliet kaninang umaga pa umalis si Valerie naman ay mamaya pa rin palang hapon ang pasok.
"Ito yung sinasabi ko," sambit ni Valerie ng makababa siya dala ang iilang damit.
"Sayo na ito Amber," sambit niya sabay baba sa upuan.
Napangiti ako at tiningnan ang mga damit. May dalawang maong na pantalon. Tatlong tee shirt pang alis at pang araw araw.
"Thank you Valerie," sambit ko at tiningnan siya.
"Sige na, mag aayos na ako." Sambit niya lang at umalis na.
Tiningnan ko ang mga damit. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang aayos pa ng mga ito. Inayos ko iyon at tinupi. Hindi ako mag uniform ngayon, susuotin ko na lang itong binigay ni Valerie na puting adidas na tee shirt at skinny pants. Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Valerie.
YOU ARE READING
The warmth in his arms
RomanceIn "The Warmth in His Arms," we follow Amber's life where acts of kindness and putting others first shape who she is. When she meets Ethan, everything changes. The story shows how people can help each other grow and find love. It's about discovering...