CHAPTER 4

1.2K 17 0
                                    

"Amber! Amber! Si Valerie!" Sigaw ni Tita sa akin na ngayon ay nag mamadali. 




"Tita napano po? Sandali tita…" Naguguluhan akong inabot ang sukli ng mamimili sa biglaang kilos ni Tita. 



"Si Valerie hindi maka hinga! Dalian mo! Ikaw na ang magsarado nitong pwesto at uuwi na ako! Sumunod ka na lang!" Sigaw ni Tita kaya sinunod ko na lang ang mga sinabi niya. 




Nang Makauwi ay wala akong naabutan na tao. Pinuntahan ko si Aling Ising ang kapit bahay namin.



"Nasaan po sila? Alam niyo po ba?" 




"Amber iha, sinugod sa hospital si Valerie! Naku! Hindi makahinga ang bata na yon! Puntahan mo na!"




"Saan pong hospital?" 




"Sa may St. Anthony Medical Hospital sa bayan, Dalian mo na!" Sagot niya. 





Kahit amoy baboy pa ako ay pumunta na akong hospital. Nag bayad na lang ako sa tricycle. Pagkababa ko ay tumakbo kaagad ako sa emergency room nakita ko si Tita umiiyak yakap siya ni Juliet na umiiyak rin.




"Tita napano po si Valerie?" Mahinahon kong tanong. 




"Si- V-valeriee…. Yung anak ko…." nauutal na sambit niya kaya tiningnan ko si Juliet na ngayon ay umiiyak rin. 



"Napano? Juliet? Anong sabi ng doctor?" 




"H-hindi pa lumalabas yung…d-doctor" nauutal niyang sagot. 



I badly want to cry. Sana, sana kapag ako ang nagkasakit may nanay rin akong mag aalala para sa akin. Marahan akong naka ngiwi dahil sa iniisip. Si Valerie. Napaano siya? Ang bait bait niya. Lahat kami ay napalingon ng lumabas ang doctor. 



"Family of Flores?" Tanong niya at tiningnan kami. 



"O-opo…" sagot ni tita at tumayo. 




"Kumusta po ang anak ko doc?"




"Misis mahina po ang puso ng anak ninyo. Na trigger po ito. Mayroon po bang may sakit na ganito noon sainyo?" Tanong ng doctor. 




"Mayroon po ang kapatid ko. Nanay po ni Amber," sagot ni tita kaya napatingin ako.




Huh? May Sakit sa puso si nanay? Kaya ba namatay siya?




"So far po nasa good condition na po ang anak ninyo kailangan niya lang po manatili sa hospital ng ilang araw para po makasigurado po tayo," pagpapaliwanag nag doctor. 



"Sige po misis, maiwan ko na po kayo," Sabi pa nito at umalis na. 





"Saan ako kukuha ng pera…." Umiiyak na sambit ni Tita. 




Hindi ko iniwan sila Tita hanggang sa ma addmit na si Valerie. Noong gabing iyon ay inaayos ko ang mga gamit na gagamitin ni Valerie. Si Juliet ang nagbabantay kay Valerie si Tita naman ay umalis. Hahanao daw ng pera. Oras na wala pa akong kinakain kaya bumili ako sa tindahan ng isa cup noodles iyon na lang ang kakainin ko. Nang matapos na ako kumain ay bumalik na ako sa hospital si Juliet naman Ang umuwi para makapaligo. 




"Kumusta ka?" Tanong ko kay Valerie. Nakasuot siya ng oxygen.




"M-maayos n-naman…." Nauutal niyang sagot. 




"Sabi ko naman sayo Val, sabihin mo na kay Tita ang pag ubo mo noon eh," malambing kong Saad habang inaayos ang mga gamit niya. 





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now