CHAPTER 23

1K 12 0
                                    

"Amber!" Sigaw ni Valerie ng makapasok siya sa cafe bakeryshop ko. 






"Val!" Niyakap ko siya.






"Ano mag ta-trabaho ka nalang ba palagi? Hindi kapa ba uuwi sa Cagayan?" Sunod sunod niyang tanong. 






"Ano ka ba, ayos lang naman ako dito. Kayo ba, kumusta kayo don?" Sabi ko habang pinag hahanda siya ng kape niya.






"As usual ayos naman kami. Ano ba yan, ambere wala kabang balak bumisita don? Napagawa ko na ang bahay! Si Juliet wag mo na alalahanin dahil si gaga nagigising na sa realidad." Sabi niya. 





Umupo ako kaharap niya. 





"Ikaw ba? Kailan mo balak nag asawa?" Tanong ko sa kanya. 






"Gustuhin ko man mag asawa Hindi kakayanin ng puso ko." Sabi niya naman kaya mapait akong napangiti. 






It's been 4 years since I left Ethan, sa loob ng apat na taon na iyon inatupag ko ang sarili ko sa pag aaral. I graduated college with the degree of Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management. I am now the owner of my dream Cafe Bake Shop.






"Ikaw? Kumusta ka na?" Balik niyang tanong sa akin. 






"Ayos naman ako, ayos na." Sabi ko.






"Apat na taon na ang nakakaraan. Simula ng makita ko ang mga ngiti mo. Apat na rin ang nakalipas sa pag iwan mo kay Ethan at ang pag punta niya sa Cagayan at ang pagkawala niya..." Sabi niya. 





"Alam mo ba amber ang akala ko, kayo na talaga…. Hanggang sa nalaman ko ang tunay na kwento. Ang sarap sampalin ng nanay niya!" Sabi ni val. 





Simula kasi noong iniwan ko si Ethan. At noong umuwi na ako sa bagong apartment ko, sinabi kona lahat lahat kay Val at kay tita. Kaya ganito ang balik nilang tulong sa akin kahit hindi ko sinabi ma kailangan ko ng tulong nila






"Siya parin no?" Sabi niya. Ngumiti lang ako at napahawak sa kwintas kaya napatingin si Val doon. 




"Baby Calista, guide mo si mommy mo ha? Tell her to rest too, she overworked again..." Sabi niya sa kwintas ko kaya napangiti ako. 




"Siguro kung binigyan siya ng pagkakataon ng Diyos ng mabuhay ang saya saya ko," sabi ko kay Val. 




"Amber…." Hinawakan niya ang kamay ko.  Sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng shop ko at pumasok doon si Andrie. Nakangiti siya habang papalapit sa amin. 





"Hi ladies" Bati niya. Hinalikan niya ako sa noo.





Si andrie siya ang tumulong sa akin nung panahon na hirap na hirap ako. Tinulungan niya ako hanggang sa makatayo akong muli sa sarili kong paa. Andrie was there, when the times I cried because I missed him…pinipigilan niya akong pumunta Kay Calle dahil nalaman niya ang totoo. Andrie was there when I need someone to lean on. Andrie was there, when I lost my baby…. Noong una hindi ko alam na buntis ako. Nagpatuloy lang ako sa pagta-trabaho kahit gabi hanggang sa isang araw kauwo ko dinudugo na ako. Tatlo g buwan na pala akong buntis na hindi ko namamalayan dahil inuubos ko ang oras ko sa pagta-trabaho. I'm so lucky that time, na napagpasyahan bumisita ni andrie sa apartment ko kung hindi baka pati ako wala na.






"Bakit siya may pakiss?!" Sigaw ni Val.






"Selos ka? Ikaw nalang sige," sambi ni andrie akmang tatayo.





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now