CHAPTER 21

982 12 0
                                    

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa condo niya. This is my fourth time in his condo. Sa apat na beses kong magpunta sa condo niyang ito dalawang beses ko palang nasaksihan ang City lights mula rito. Pinapanood ko siyang buksan ang condo niya hanggang sa nakapasok na kami. 




"I'm going to take a bath. Hintayin mo nalang ako dito.." sabi niya. 




"Okay, hintayin na lang kita don" Sabi ko at tinuro ang balkunahe ng condo niya. Lumapit siya at nginitian ako. Sinuklian ko iyon.




"Feel at home, baby." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. 






Pinanood ko ang likod niyang paakyat sa kwarto niya. Bakit ang lungkot ng condo niya ngayon? sa tuwing pupunta ako dito palagi naman masaya, bakit ngayon iba na? Pumunta ako sa may pictures sa may tabi ng TV niya. May family picture siya. Mayroon siyang graduate picture niya simula preschool to college. Hinanap ng mata ko ang picture namin pero Hindi ko makita. Inalis niya? May picture kaming dalawa nakasakay sa roller coaster habang ang dalawang kamay namin ay nakataas buong buo ang ngiti namin doon pina frame niya iyon, pero ngayon nasaan? Bago ako pumunta sa veranda inalis ko ang suot kong tee shirt. Naka sando naman ako kasi hindi ako sanay matulog nang naka tee shirt. Binuksan ko ang pintuan at umupo na sa may sofa.



"Nay…hindi ko na po alam anong nangyayari sa amin ni Calle.. Hindi ko na po alam," sabi ko sa mga bituin. 



Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Andrie.  Pagkatapos umamin sa akin ni Andrie. At noon araw na pinuntahan ako ng nanay ni ethan. Tinawagan ko si Andrie. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin. Nung una galit siya pero nirerespeto niya ang desisyon ko. Sinamahan na rin ako ni Andrie magbigay ng resignation letter kay Chantal. Magkakilala pala sila. Hindi ko alam paano, hindi ko na lang inalam. 




"Andrie?" 



"You called, ito na ba yung sinasabi mo? Puntahan na ba kita?" Bungad niya. 




"Hindi…pwede bang kunin mo ang natitirang gamit ko sa apartment ko? Kukunin ko na lang sayo bukas," sabi ko. 






"What? Anong gamit? Amber, what are you thinking?! Can you enlighten me?please?" Sabi niya.




"May susi sa ilalim ng paso sa may pintuan ng apartment ko. Yung dalawang bayong na nasa sala ko ang kuhanin mo, iyon nalang naman ang gamit ko," sabi ko sakanya. 




"Why amber?"



"Can you do that for me? Pangako bukas sasabihin ko saiyo lahat." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.




"Amber I don't get you. It's hard to read what you're thinking…" sabi ni andrie. 



"Wag ka mag alala ayos lang naman ako. Sasabihin ko sayo lahat bukas. At wag ka na rin mag alala, alam ng pamilya ko sa Cagayan ang ginagawa ko… ikaw at ang pamilya ko palang ang may alam," pagsisigurado ko sa kanya. 




"Nasaan ka nyan? Bakit wala ka sa apartment mo? Oras na," sabi niya.





"Nakila Ethan,"




"You- what?!"




"Wag ka mag alala, magiging maayos ang lahat. Ang pabor ko, andrie please?" Sabi ko sa kanya. 





"Fine, please, take care, Amber. Call me if you need anything," I heard him sighed.




"Thank you," sabi ko at binaba na ang tawag. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako. 





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now