It's 9:00 PM and I am still on my cafe bakeshop.
"Hello baby..." Sambit ni Calle mula sa kabilang linya.
"Hello?" Sagot ko habang nag aayos n ng mga gamit.
Totoo nga ang sinabi niya na magiging busy siya sa buong buwan.
"Malapit na po ako sa cafe bakeshop mo," sambit niya.
"Ganon ba? Nag aayos na rin naman ako, hintayin kita." Sabi ko.
"Okay, I love you." Sabi niya.
"I love you, ingat ka." Sabi ko nang may ngiti sa labi.
Ngayon ay susunduin niya ako. Noong nakaraang sinabi niyang magiging busy siya ay totoo nga dahil halos hindi na kami nagkikita, nakakapag usap lang kami kapag tumawag siya.
Naging abala rin naman ako sa carinderia ko at Cafe bakeshop ko, ang carinderia ay napapa expand kona sa ikalawang linggo. Ang Cafe bakeshop naman ay dinadagsa dahil sumikat ito sa isang social media platform, hindi ko naman nga alam kung hindi lang sinabi sa akin ng empleyado ko.
Mula sa labas ng pintuan ng shop ko kitang kita kong bumaba si Calle. May dalang mapupulang rosas na napaka laki. Nakasuot siya ng itim na tee shirt na hapit na hapit sakanyang katawan pinaresan niya iyon sa kulay gray na trouser naka belt siya at ang sapatos niya ay loafer sperry na itim ang buhok niya ay napaka linis ng gupit kahit hindi pa siya nakakapasok sa shop ay amoy na amoy kona ang pabango niyang nakakaadik sa amoy.
Halos nagsilingunan na ang mga tao sa shop ng pumasok siya. Hinanap niya agad ang mga mata ko na nasa counter area. Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin. Timignan ko ang mga kababaihan na napatingin sa kanya kanina ngayon ay nakasimangot na, ang iba ay kinikilig kaya natawa ako. Nang makalapit ay niyakap niya agad ako.
"Hi baby, good evening po," sambit niya.
"You came," bulong habang nakayakap parin siya. Naramdaman Kong hinalikan niya ang expose kon leeg kaya umalis na agad ako sa yakap.
"Flowers for you," sabi niya at inabot ang bulaklak. Kinuha ko yon nginitian siya at tinignan ang mga bulaklak.
"Roses...ang bango" sabi ko.
Naramdaman ko siyang niyakap ako ulit at siniksik ang kanyang mukha sa leeg ko at inamoy amoy yon.
"Mabango, sobrang bango..." Sabi niya at pinapatakan na ng mga maliliit na halik iyon. Niyakap ko siya pabalik at tinignan ang paligid. Ang daming nakatingin sa amin pero parang walang pakealam si Calle
"It seems you missed me po," natatawa kong pang iinis. I heard him sighed at tumayo na sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
"Miss na miss," sambit niya habang nakatingin sakin. Maya Maya ay bumaba sa tenga ko para bumulong.
"Uwi na po tayo I badly want to kiss you roughly, please..." bulong niya.
"Tara na," aya ko, ngumisi siya at niyakap na ako at naglakad palabas ng shop ko.
Hindi niya agad ako pinasakay sa sasakyan niya dahil gusto niya daw muna paganahin ang makina kaya naghintay ako ila g segundo lang naman, mamaya ay lumalabas na siya at inaalalyan ako papasok sa passenger seat siya ang nagsuot ng seatbelt. Ngayon ko lang napansin naka BMW siya. Umikot siya papunta sa driver seat nang makapasok siya ay nginitian niya ako nginitian ko siya pabalik at kitang kita kung paano siya kiligin.
"Namiss kita. Kumusta ka? Iniinom mo ba ang mga gamot mo? Kailan ka ulit magpapacheck up?" Sunod sunod nyang tanong habang nagmamaneho.
YOU ARE READING
The warmth in his arms
RomanceIn "The Warmth in His Arms," we follow Amber's life where acts of kindness and putting others first shape who she is. When she meets Ethan, everything changes. The story shows how people can help each other grow and find love. It's about discovering...
