CHAPTER 28

1K 9 5
                                    

Kinabukasan maaga ako nagising hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako. Naligo na ako at nag ayos ng iluluto para sa carinderia. Nakasuot ako ng puting bestida na pambahay. May kumatok sa pintuan kaya agad ko iyong pinuntahan. 

"Andrie…" bungad ko at pinapasok na siya. 

"Saan ka galing kahapon?" Tanong niya habang sinusundan ako papunta sa kusina. 


Sinuot ko muli ang apron ko at nilingon siya. 

Umupo siya sa kitchen chair "Sabi ni manang Cecile may lalaking pumunta sa carinderia at nakita ka daw niyang sumakay sa kotse non. Si Ethan ba yon, Amber?" Tanong niya. 

"Oo," sagot ko at hininaan na ang apoy ng kalan. 

"Kumusta?" Tanong niya. 

Humarap ako sa kanya at umupo na rin kaharap niya. 

"Sinaktan ka ba niya? Nalaman niya ba ang kay Calista?" Tanong niya ulit.

"Oo…galit siya dahil hindi ko sinabi ang tungkol kay Calista. Totoo naman na naging pabaya ako kaya nawala ang anak namin." Sabi ko. 

"Hindi yan totoo.." sabi ni Andrie. 

"Totoo ang sinabi niya na naging pabaya ako, Andrie. Sa nais kong ipakita kay Ma'am antonette na karapat dapat ako sa anak niya…nawala sa isip ko ang anak ko…" sabi ko. 


"Hindi Amber! Hindi mo rin naman alam na may anak ka." Sabi niya. Umiwas ako ng tingin. 

Hindi ko naman talaga alam na may anak ako. Sa sobrang sakit, sa sobrang kahihiyan, sa sobrang panliliit, sa nais kong ipakita kung gaano ko kamahal si Calle. Hindi ko naisip ang anak ko. Ang anak namin. 

"Nakapag-usap na kayo?" Tanong niya. 

"Oo, alam niya lahat lahat tungkol sa pinag gagawa ng nanay niya at ni Chantal noon." Sabi ko. 

"Anong balak mo Amber?" Tanong niya.

"Hindi ko alam…." Sabi ko. 

"Kailangan mo siyang harapin, Amber. Alam ko na Mahal na mahal mo parin si Ethan. Anong gagawin mo? Gusto mo bang tuluyan ng lumayo? Tutulungan kita. Gusto mo siya kausapin? Tutulungan kita. Kung ano ang desisyon mo doon ako. Palagi kitang susuportahan." Sabi niya. 


"Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko manghingi ng tawad pero hindi ko alam paano. Hindi ko alam," sabi ko at yumuko.

"Knowing Ethan, Amber. He is a highly accomplished individual, excelling as the highest-paid Certified Public Accountant, a distinguished professor in Accounting. The youngest CEO at ngayon bali-balita malapit na siyang makakuha ng degree sa Civil Engineer." Sabi ni Andrie. 


"Ang mga ganun na tao Amber mahirap kalabanin. Ang lahat ng gusto niya nakukuha niya. Ang lahat ng pagmamay-ari niya ay dapat sa kanya lang. Kukuhanin niya ang dapat sa kanya amber. Kaya naniniwala ako, makukuha ka na niya ulit ng walang kahirap hirap." Sabi ni Andrie. 

"Sapat na ang apat na taon na pagtatago mo, Amber. This is the reality na kailangan mo harapin. Kaya kung ano ang desisyon mo, tutulungan at susuportahan kita." Sabi ni andrie. 

"Salamat." Sabi ko. 

"Ano pala ang niluluto mo?" Tanong niya. 


"Ulam para sa carinderia" 


"Dumarami ang tao sa carinderia mo, kailangan na i-expand yan." Sabi niya.


"Oo nga eh, pag iipunan ko' na. Sabi ko naman sa kanya.


The warmth in his arms  Where stories live. Discover now