CHAPTER 10

1.5K 19 3
                                        

Kinaumagahan ay maaga akong umalis sa apartment. Hinayaan ko na lang siya doon matulog at hindi na nag abalang gisingin pa siya dahil sigurado ako hindi ko rin alam kung paano pa siya harapin dahil sa ginawa niya kagabi. 





"Wow early bird. Mamaya pa duty mo ha," Sambit ni Jeremiah ng makita ko niya ako. Mamayang hapon pa dapat ako papasok dahil iyon ang duty ko pero hindi ko matiis na mamayang hapon pa dahil ayokong makita si Ethan.






"Dami mong alam! Magtrabaho ka na nga," sagot ko.



Magpapalit na sana ng uniform ng may pumasok na customer at sabay kaming napalingon ni Jeremiah don. Mula sa suot niyang damit kagabi ay kilalang kilala ko na kung sino ang lalaking iyon. Ang mga abo niyang mata ay maraming explinasyon na nais sabihin pero ang mga bibig niya ay nakatikom lamang. Napalingon ako sa isa pang pumasok sa shop. Kitang kita ko ang nakangiting mukha ni Andrie sa akin. Tinignan niya muna si Ethan na hanggang ngayon sa akin nakatingin. Nilagpasan niya ito at naglakad palapit sa akin.





"Good morning, Amber.." masayang ani nito ng makalapit. 






"Boyfriend mo, Amber?" Bulong ni Jeremiah sa akin siniko ko siya.





"Good morning sir," ani nito kay Andrie.






"Good morning. Ikaw pala ang kasama ni Amber dito? Alam mo ba ang schedule niya ngayon?" Tanong ni Andrie kay Jeremiah napaalis ang tingin ko sa dalawa dahil tinignan ko ang lalaking hanggang ngayon nakatingin sa akin. Kunot noo na siyang nakatitig sa akin na animo'y may ginawa akong masama.






"Opo sir. Mamaya pa pong hapon ang schedule niya sa shop na ito. Ewan ko lang po bakit ang aga niya ngayon…" napatingin ako kay Jeremiah ng sagutin niya ang tanong ni Andrie. 





"Ganun ba? Pwede ko pa pala siya kunin muna? May importante kasi akong sasabihin sa kanya eh…. Diba amber? Nabanggit ko sayo kahapon?" Ani ni Andrie sabay tingin sa akin. 





Sa pagkakaalam ko wala siyang sasabihin ngayon pero alam ko ang ipinahihiwatig ng mga mata niya. Tinutulungan niya lang akong makaalis sa sitwasyon na ito. 






"Oo, sorry nakalimutan ko " sagot ko at natawa pa si Andrie.





"Oh! Ayun naman pala eh! Sige na sir, kunin mo na yang si Amber at para makapag pahinga naman," ani ni Jeremiah. 





Naurong ang gusto kong halakhak dahil sa pagbagsak ng isang tray. Kaming tatlo ay napalingon doon nang makita ko ay nakatingin sa akin ang mga abo niyang mata. Pagtataka, galit, selos, ang mababasa mo dito.






"Naku sir! Ako na po ang bahala diyan," Sambit ni Jeremiah at lumapit kay Ethan. 





"Let's go?" Doon lang ako napalingon kay andrie ng bumulong ito sakin. 






"Tara na, alam ko ayaw mo siyang harapin. Nakita ko siya kagabi…" bulong niya pa ulit. 






"Paano…" Kunot noo kong tanong. 






"Tara na. Kwento ko sayo sa kotse," hinawakan ni Andrie ang braso ko at inalalayan na akong maglakad. Habang naglalakad ay hindi umalis ang tingin ni Ethan sa akin, kay Andrie at sa kamay ni Andrie na nakahawak sa braso ko.







Nang makarating kami sa parking lot ay inalalayan akong makapasok ni Andrie sa passenger seat. Kahit nasa loob na ako ng tinted na kotse ni Andrie kitang kita ko pa rin ang galit na pagmumukha ni Ethan na nakatingin sa akin mula sa loob ng Coffee Shop.





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now