"Amber!" Sigaw ni manang Cecile ng makita akong nakaupo sa animo'y stockroom ng carinderia ko.
"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Anong nangyari dito? Amber? Amber magsalita ka naman oh.." sabi ni Manang cecile.
"M-ma…nang…" nahihirap kong saad.
Pero kahit sobrang maga na ng mga mata ko ay tumayo ako. Inayos ko angsarili ko. Kailangan ko makausap si Ethan. Yung anak ko…
"Anong nangyari?" Sunod na tanong ni manang.
"Aalis na po ako," sabi ko.
"Saan ka pupunta? May kinalaman ba dito yung gwapong lalaki na nagbasag ng dalawang sasakyan sa labasan?" Sabi ni manang.
Si Calle? Nagbasag?
"Aalis na po ako," sabi ko at iniwan na si manang.
Lumabas ako. Hindi ko alam saan ako pupunta. Ayokong timawag kay andrie dahil baka busy siya. Umiiyak akong naglakad hanggang sa sakayan. Kailangan ko mag lakad. Kailangan ko makausap si ethan, kahit na hindi ko alam nasaan siya ngayon. Masakit para sa kanya na mawalan ng anak. Paano pa ako? Ako na mismo ang nanay? Nang walang masakyan ay umupo ako sa tabing kalsada.
"Nay…please…nay…baby…please ..tulungan niyo po ako" sabi ko at umiyak na.
Narinig ko ang pag busina ng sasakyan kaya nakaangat ang tingin ko. Pulang kotse na sa pagkakaalam ko isa itong sports car. Ang Dodge Viper. Tumigil ito sa harapan ko at bumukas ang bintana.
"Sakay." Utos ni Calle.Wala akong sinayang na oras pumasok ako sa sasakyan niya.
Sinuot ko ang seatbelt. Ang kaninang mga luha ko ay tumigil na ngayon sa pagbuhos. Amoy Calle ang sasakyan. I felt home again. Tinignan ko siya. Nag Igting ang panga habang nagmamaneho ang kabilang kamay ay nasa bintana.
"Calle…" mahinang tawag ko.
"Don't talk." He cut me guard.
Ayaw niya akong kausapin? Paano kami mag iintindihin nyan? Kung ayaw niya akong magsalita. Sige hindi ako magsasalita. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Nag ring ang cellphone ko kaya napatingin si Ethan don. Si andrei ang caller.
"Hello,"
"Where are you? Nandito ako sa carinderia, manang Cecile told me you left. Nasaan ka? Bakit hindi ka nagsabi?" Sunod sunod na sabi niya.
"A-ayos lang ako." Mahinang saad ko.
"Nasaan ka ba? Sunduin kita, nasaan ka? Ayos kalang ba dyan?" Tanong niya ulit.
I heard Ethan 'tsked' at kinuha ang cellphone ko mula sa akin.
"Calle.."
"I'm with her. Stop calling her." Sabi niya sa kabilang at binabaan na ito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
Ang daan kasi ay pamilyar. Papunta kami sa Condo niya. Hindi niya ako sinunod. Hanggang sa bumigat ang talukap ng mata ko. Hinila na ako ng antok. Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan kaya napamulat ako ng mata.
"Nasaan tayo?" Tanong ko ulit. Nakatingin lang siya sakin.
Lumabas siya ng kotse kaya nagmadali akong lumabas para sundan siya. Nakasunod lang ako sakanya.
YOU ARE READING
The warmth in his arms
RomanceIn "The Warmth in His Arms," we follow Amber's life where acts of kindness and putting others first shape who she is. When she meets Ethan, everything changes. The story shows how people can help each other grow and find love. It's about discovering...