Stage 11

369 12 9
                                    

Stage 11

4:00 AM

Andrius Joseff Romano:

Good morning, Miss Spain. Tulog na ako ulit.

I frowned. Maaga ako'ng nagising pero hindi 4:00am. I can't believe he really fell to what I told him I sleep at 11:00pm and wake up at 4:00. Nag-ayos na ako at chinat siya na magkita kami sa mall ng 10:00 para sa bibilhin naming ingredients. He even threw a tantrum at me early in the morning just because I didn't reply to him!

Andrius Joseff Romano:

Sakit, walang goodnight, wala pang good morning ta's 'di man lang ako nirereply-an kahapon.

Hindi ko na lang siya ulit nireply-an at pinagpatuloy ang ginagawa. I talked to Rance for a bit, asking for some update and he just told me that he isn't done with the investigation yet. Pero malakas na raw ang kutob niya na may koneksyon ang mga Gonzaga sa sindikato lalo na at mukha ngang may kinalaman sila sa pagkamatay ng mga Espinoza.

"Date tayo. Nagtatampo ako," bunga sa akin ni Andrius pagkababa ko ng motor. Inirapan ko lang siya bago ko binuga ang usok ng vape sa mukha niya na siyang mas lalong ikinasimangot niya.

"Arte mo. Tara na nang mawala ka na sa paningin ko."

"Bubblegum," he frowned.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Flavor ng vape mo, bubblegum kako. Hmp!"

Inang 'to, parang bata.

He keeps on blabbering about me not replying while entering the mall. Reklamo siya nang reklamo akala mo naman required ako na mag-reply sa kaniya, e hindi naman! Sino ba siya? Alaga ko lang naman 'yan!

"Tara Koomi!" Yaya niya sa akin. Bago pa ako makatanggi sa kaniya, hatak-hatak na nito ang kamay ko kaya naman kinurot ko ang kaniyang braso pero wala man lang ako'ng makurot! Matigas!

He wiggled his eyebrows at me. "Tsansing ka na naman, Miss Spain," he said as he started flexing his biceps. "Oh, hawak na. Pa-simple pa, e."

"Tarantado ka talaga," tawa ko at saka ito pinaghahampas.

"Ikaw naman kasi, kung gusto mo humawak, papahawak naman ako sa 'yo. Baka gusto mo rin hawakan abs ko?" He smirked.

"Ulol!"

Hinayaan ko siya na bumili nga inumin sa Koomi habang ako ay pasimpleng tinitingnan ang paligid. I still have to be vigilant because my pet is with me and I can't let some danger around him. Talaga namang kapag kasama ko ito, para ako'ng may kasamang bata! I feel like I am babysitting here!

"Lychee?" Andrius asked me when it was his turn to order.

"Simple ka pa. Palibhasa alam mo'ng bawal inumin sa loob ng grocery kaya ka nagyayaya," irap ko.

He grinned. "Date kasi tayo."

"Tanga ka, ulol."

"Lah ka, lagi mo na lang ako'ng minumura. Subukan mo kaya ako'ng mahalin?"

I raised my middle finger at him and he burst out laughing. Napatawa naman ako rito habang umiiling. Buwisit na tukmol.

Inbot niya sa akin ang inumin habang ngising-ngisi pa rin. Napailing na lang ako nang tinanggap iyon. Hinayaan ko rin siyang magbayad dahil, aba! Siya ang nagyaya! Tanga ba siya?

Hindi rin naman niya ako siningil at hindi ko na rin naman inasahan na sisingilin nga niya ako dahil lagi rin naman niya ako'ng binibigyan ng pagkain nang walang bayad.

Get Lost With You (The Lost Souls on Tour: The Fourth Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon