Stage 23
"Shin, how's the situation there?" Bulong ko habang nagmamasid.
"The target hasn't arrived yet."
Huminga ako nang malalim at saka uminom ng champagne. Nabuburyo na ako rito dahil kanina pa yata ako nasa party na ito pero hindi pa rin umuusad ang misyon namin.
"Did Aziel check the intel?"
"Yes."
Umismid ako. "Is it confirmed that the target will really come here?"
"Yes."
Umirap ako at saka nagmasid-masid na lang muna sa paligid. Kailangan ko pang tapusin itong misyon na ito dahil kailangan ko pang bumalik sa Spain para sa susunod na misyon. Wala na akong nagawa sa nakalipas na taon kundi puro misyon. I already promised to myself that I will live as a human while doing my responsibilities yet here I am...accepting missions after missions just so I could feel like I was really living.
I love how I was always being chased by death. Doon ako nakakaramdam ng iba't ibang emosyon dahil sa takot na baka iyon na ang maging huling misyon ko. Pero minsan, hindi ko maiwasan na sana...may iba pa akong pinagkakaabalahan sa buhay bukod sa pakikipaglaro lang kay kamatayan. This is not how a normal person live. And it's funny because even after years of being in this field, I never...really changed at all.
"Cianna..."
Napaangat ako ng tingin kay Abuela nang makauwi kami. Buong biyahe akong tahimik habang pinipigilan ang sarili na umiyak kahit pa halos sumuko na ang puso ko sa sakit na nararamdaman. Alam kong namumula na ang aking mata sa pagpigil ng mga luha dahil nananakit na ito. Hirap na rin akong magsalita dahil...pakiramdam ko sasabog ako.
Abuela sighed heavily. "I was with them earlier. The Romanoy boy was throwing a fit because you were kidnapped."
Hindi ako sumagot.
"Cianna...be honest with me. What happened between the two of you? Nagkagusto ba siya sa 'yo? Nagka...gusto ka ba sa kaniya? Naging kayo ba?"
Umiling ako agad. Hindi ko alam kung aling tanong ang sinasagot ng pag-iling ko pero wala na akong balak pa na idetalye ang nangyari dahil gusto ko na lang na kalimutan ang lahat.
"Cianna...I know you know that you can never hide anything from me the moment that I've noticed that there is something wrong with you. Gusto ko lang na manggaling sa 'yo."
"Magagalit ka..." Mahina kong usal.
Kumunot agad ang noo niya. "Bakit naman?"
Umiwas ako ng tingin.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "Hindi ako...magagalit... I know I have been so hard on you because of the responsibility that you have but, Cianna...I'm still your Abuela."
Hindi ako sumagot. I'm so scared that if she ever finds out that I fell in love with my client, she will be disappointed at me. Lalo na at...sa kauna-unahang misyon ko pa? Buong buhay ko, siya na lang ang inaasahan kong mananatili sa tabi ko dahil kahit kailan naman, wala akong naranasan na pagmamahal mula sa magulang ko. I know that...I wasn't even sure if Abuela loves me or she only see me as a weapon for this goddamn organization but...I'm so scared to disappoint her. Kaya sinusubukan kong gawin ang lahat para matuwa siya sa akin.
It's funny. Akala ko ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil sa trabaho ko pero unti-unti kong naiintindihan na...takot lang pala ako na maging mag-isa. I was raised...by my own. Maybe I live with my parents while I grow up but I never experienced to be loved by them. I was just alone there, broken...scared that they will leave me if I failed. But I realized, they were never with me all along.
BINABASA MO ANG
Get Lost With You (The Lost Souls on Tour: The Fourth Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Fourth Tour) What is real in this world? May katotohanan nga ba sa mundo'ng puno ng kasinungalingan? Mga tawang madaling mapeke, ngiting kay daling iukit sa mga labi, luhang tumulo ngunit emosyo'y peke, pagmamahal na aka...