"Sa'n kayo pupunta!?", tanong ko kay Jix, member ng Troupe Two. Tumatakbo kasi siya kasama ang ibang member ng Troupe Two na sina Pom at Akarzu.
"Sa Arena! May iaannounce ang Great Lord! Bilisan ninyo!", sigaw ni Jix at mabilis nagteleport papunta sa Arena.
Agad akong pumasok sa Room at tinawag sina Chi at Sky at sinabihan sila about sa sinabi ni Jix.
"Sige, sumama nalang kayo sakin", sabi ni Kronus-Sensei. Agad din kaming sumang-ayon at sumabay sa kanya.
Nang makarating na kami, bumungad sa amin ang napakaraming warriors, Class A, B, C, D at E, nasa taas naman ay ang Great Lord Mizuki. Napatingin naman ako bigla nang biglang sumulpot si Gaz-Sensei sa tabi namin.
"Kronus-Sensei, pwede ko po ba munang hiramin sa inyo ang mga estudyante ko?", pagpapaalam pa ni Gaz-Sensei kay Kronus-Sensei.
"Sige, total kailangan din ang Class A sa taas", sabi ni Kronus-Sensei then agad ding nagteleport papunta sa taas.
"Ngayon ko lang ulit nakita ang buong Kaze Village na sobrang naghahanda", sabi ni Sky na nakatingin sa itaas kung nasaan ang Great Lord at ang mga Class A Warriors.
Pagtingin ko doon, tama nga ang sinabi niya, nandoon ang lahat ng myembro ng Class A, yung mga Class B naman ay kasama yung mga Troupe nila. Kung hindi ko pa nasasabi, ang Class O ay ang Great Lord, ang Class A ang Elites, ang Class B ang Masters, ang Class C naman ang Royal Guards, ang Class D ay ang Officers at ang Class E ay ang mga Trainee o Students.
"Sa tingin ko ata ay nagtataka kayo dahil sa bigla kong pagsasabi na magkakaroon ng pagtitipon..", putol na sabi ng Great Lord. Gaya ng iba, para rin siyang kinakabahan na ano. Hindi ako makapaniwala, ngayon ko lang nakita ang Great Lord na ganito.
"...tungkol ang pagtitipong ito sa papalapit na Great War, dahan-dahan na tayong sinusugod ng mga mortal na kalaban ng ating bansa, ang Five Names", pagpapatuloy pa ng Great Lord.
"Sino po ba sila Great Lord? Gaano ba sila kalakas na kahit kayo ay hindi mapakali?", sigaw ni Darwin mula sa Troupe One.
"Ang Five Names....", nang sabihin iyun ng Great Lord, biglang tumaas ang tensyon ng buong Arena, bumalik din sa isipan ko ang pangyayaring muntik ng kumitil sa buhay ko.
"...kahit na ako, walang-wala akong laban sa kahit isang Name lang, the Five Names, they are a complete DISASTER", nang sabihin iyun ng Great Lord, napuno ng kaba ang arena, nadagdagan din ang tensyon. Kahit na mga myembro ng Class D, C, B o kahit A.
BINABASA MO ANG
Five Names
FantasyFive Names Series #1 || Five Names that will cause the Greatest War.