Chp5: Forbidden Families

19 3 3
                                    

Agad akong dumiretso sa camp para makapagpahinga dahil sa pagod, halos maubos ang lakas ko sa pinaggagawa namin kanina. Agad kong kinuha ang Animal Abilities na booklet ko, third page na ako, nagawa ko na kasi kanina sa Animal Ability Subject namin yung first at second page, sina Axis naman, pasimple simple lang dahil syempre, nagagawa niya lang yung mga techniques ng sobrang dali.


Napatingin naman ako sa labas ng bintana nang mapansin kong dahan-dahang umaambon. Naalala ko tuloy, 'everytime it rains, someone's experiencing pain' . Yan ang sabi sa akin ng mama ko noon, noong buhay pa siya.


"Tama lang na maranasan mo ang mga bagay na yan! Sagabal ka lang sa buhay namin!", sabi ng tita ko sa akin.


"Tumigil ka nga Sylvia! Kasalanan ko ito at hindi sa anak ko! Ginawa lang ni Monique ang sa tingin niya'y tama!", napatingin naman ako kay mama na mabilis akong niyakap mula sa likod ko.


"Tsk, hindi mo naman nakikita ang mga paninirang ginagawa niya sa akin, sa atin! Sa buong pamilya natin! Ang tinitignan mo lang kasi ay ang mga kabutihan niya! Ang pag-aarte niya! Monica, para malaman mo, hindi ka nararapat na tawaging ina sa lagay na 'yan", sambit ni Tita Sylvia na ikinagulat ko. Pero ang sunod na nangyari ang mas ikinabigla ko.


*SLAP*


"OO! Lagi akong wala! Lagi akong wala! Pero alam kong hindi magagawa ni Monique ang mga bagay na ibinibintang mo sa kanya! At isa pa, wag kang masyadong mayabang dahil sayo tumutuloy si Monique, wala ka paring karapatang saktan at gawan siya ng mga ganyang bagay dahil hindi mo siya pagmamay-ari! Kung ganito man lang, sige! Aalis kami dito, hindi ko kailangan ng isang tahanang puro sakitan!", sigaw ni mama at mabilis akong dinala palabas.


Sabay ng pag-alis namin sa lugar na iyun ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. At ang pagbagsak din ng taong pinakamamahal ko. Natamaan ng kidlat ang puno na malapit sa akin, mabilis nagteleport si mama sabay tulak sa akin kaya siya ang natamaan ng puno.


"A-Anak, *sob* tandaan mo ito, *sob* ano man ang mangyari, m-maging matapang kalang *sob*, everytime it rains, someone's experiencing pain, *sob*, everytime it rains, our life ruins, pero prove them wrong, change that thing that they believes, because everytime it rains, every droplets brings new chances *sob* M-Mahal kita anak, mahal na mahal, continue living, and escape from dying"


Agad kong isinarado ang bintana at mabilis na nagtalukbong habang nag-iiyak, hindi ko parin talaga matanggap na wala na si mama, she died protecting me, after all, she's my mom, she'll do everytime just for my sake. Gaya nga ng sinabi niya, I need to be strong, I have to continue living, and escape dying.


Maya-maya lang rin ay nakatulog rin ako.


_____

Mabilis akong lumabas sa kwarto ko para kumain, almost 8:00 PM na, paglabas ko sa kwarto ko, nanonood ng TV sina Sky at Axis habang si Gai-Sensei naman ay pinapatulis ang katana niya.


Napansin ko namang napatingin si Axis sa direksyon ko, he's good, napansin niya agad ako.


Five NamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon