Gaz' POV
"WAAAAAAAAHH!! GAZ-SENSEII!!!", nabigla nalang kaming lahat dito nang bigla nalang sumulpot si Monique sa harapan naming lahat.
Ang mas ikinabigla namin ay kung paano siya nakapasok dito. Bago ko pa man siya malapitan, nakuha na siya ng mga Royal Guards o Class C. Agad akong sumunod sa kanila para matanong ko rin si Monique kung anong nangyari.
Hindi ako makapaniwala, nakapasok siya dito kahit sa Seal?
Nang makalabas na kami, napansin ko nalang na nagkakaroon na ng ruckus sa loob. And I know dahil iyun kay Monique.
Agad kong tinakbo si Monique para tanungin kung anong nangyari. Pero nabigla nalang ako nang mapansin ang isang bagay na hindi ko akalain.
Isa lamang siyang clone.
"P-Paano, paano mo nagawang makapasok sa loob?", I asked, but instead of answering me, agad niya nalang akong hinila sabay teleport.
Then bigla nalang akong napadpad sa isang gubat. Nasa likod kami ng isang malaking puno.
Agad siyang sumilip para tignan ang nasa likod kaya sumilip din ako.
There I saw Monique, Jix, Pom at Akarzu na nakagapos ang mga kamay habang ibibitay sa puno, sa harap naman nila ay si Yorki na puno ng dugo sa katawan kasama ang isang Wild Dog.
"Ibig bang sabihin nito ay gising na si Monique?", bulong ko sa clone na Monique. Until now, hindi parin ako makapaniwala, ang isa ngang Class A warrior ay hindi kayang makapasok sa isang silid na may seal, siya pa kaya na isa lamang Class E, and what's even worse, isa lamang siyang clone.
"No, kahapon pa ako ginawa ni Monique, she told me to find you and inform you sa nangyari", and after he said that, ang pagkabigla ko ay nadoble pa. So halos isang araw na siyang paikot-ikot sa buong village at nakapasok siya sa silid na iyun na may seal? Hindi ko nga kayang magpalabas ng clone ng tatlong oras.
Agad akong napatingin kay Monique.
This kid, she's like our Great Lord noong bata pa siya. Nagagawa ang isang bagay na sobrang imposible para sa amin.
Agad naman akong naging seryoso nang biglang lumingon ang wild dog ni Yorki sa direksyon namin.
"WOOF! WOOF!", at pagkatapos ng tahol na iyun, bigla nalang sumulpot si Yorki kasama ang aso niya sa harap namin.
"Monique, go untangle them immediately, ako na ang bahala sa taong 'to", I said then agad siyang tumakbo papunta sa Monique.
"Gaya nga ng hula ko, babalik ka kaagad Yorki", sabi ko sa kanya. Siya naman ay pinapakiramdaman lang ang buong paligid. Then in a second, mabilis na tumakbo ang wild dog niya papunta sa direksyon nina Monique. Agad ko siyang pinigilan by teleporting at it's front sabay suntok sa asong 'yun kaya napatilapon siya sa malayo.
BINABASA MO ANG
Five Names
FantasíaFive Names Series #1 || Five Names that will cause the Greatest War.