Chp10: First Strike

16 2 0
                                    

Yorki's POV


"Nagsisimula naring kumilos ang Kade Village, sabi ng isang spy natin, they are planning to make an alliance with the Kaze pero nang matuklasan nila ang about kay Monique, inurong na nila yung plano", sambit ko sa harap ng malaking silid na ito. 


Nandito ako ngayon kasama ang isa sa myembro ng Five Names, si Greed, andito rin ang ilang mga alagad ni Greed at kasama na doon si Chi. Marami pa kaming mga spy sa buong Kaze at Kade. Ang plano kasi ng Five Names, siya ang mamumuno sa pagsakop sa Kade at Kaze, habang yung ibang Five Names naman ay sa ibang Village.


Napatigil naman ako sa pag-iisip nang biglang tumaas ang tensyon sa buong silid, parang naglalaban ang bawat pwersa namin, at hindi maipagkakaila na kahit ako, kinakabahan sa lakas na mayroon si Greed na ngayon ay nasa dulo ng silid na ito.


Naikuyom ko naman ang mga kamao ko nang maramdaman kong may sasabihin si Greed, bawat salitang lumalabas sa bibig niya, parang dinidrain nito ang buong lakas namin, so we need to resist it.


"Mabuti naman kung ganun, kung hindi magkakaisa ang dalawang village na iyun, madali nalang nating magagawa ang mga plano natin. At yung babaeng yun, si Monique mula sa Kaze Village, nais ko sanang kunin niyo siya at dalhin sa akin", minsan ay hindi ko siya naiintindihan, sobrang lakas niya, sa totoo nga lang eh kayang-kaya niya ng sirain at pabagsakin ang dalawang village na iyun ng mag-isa, pero bakit kailangan pa naming pagdaanan ang mga ito? 


"Chi..", napatingin naman ako ulit kay Greed nang tawagin niya si Chi.


"Gusto kong ikaw mismo ang humuli sa Monique na iyun", Greed said with authority.


"P-Pero Greed! Sigurado akong marami ng puprotekta sa babaeng iyun simula nang malaman nila ang kaya nitong gawin!", reklamo ni Chi.


"Bakit?" napansin ko naman ang pagkabigla ni Chi nang sabihin iyun ni Greed.


"Takot kaba?", sabi ni Greed. Napansin ko naman ang biglang pagtaas ng enerhiya ni Chi, which means galit siya.


"Hindi ako takot, alam kong matatalo ko sila", sabi ni Chi na para bang nagshift kaagad sa galit ang emosyon niya. Para bang nilamon na talaga siya ng kadiliman na para na siyang nabubulag sa katotohanan. Ito nga talaga ang lakas ng isang Five Name, an unquestionable ability. 


"Greed, gusto mo bang kumilos narin ako?", napalingon naman ako sa nagsalita, isa sa mga spy namin mula sa Kade Village.


"Monsieur Zakichi", sambit ni Greed.


"Greed, marami akong kayang gawin, kung hahayaan mo ako, magagawa ko ng mapatay kahit ang Great Lord ng Kade Village na si Zamado", sabi niya.


Bigla namang tumawa si Greed, a laugh of a demon. 


"Hindi ngayon ang tamang panahon para jan Zakichi, hayaan nating ang dalawang village mismo ang tumapos sa kani-kanilang mga nasasakupan hahaha", sabi ni Greed.

Five NamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon