Chp9: Sky VS Oniki's Team

19 3 5
                                    

"Dugo ng isang Five Name? Paano?", tanong ko dahil sa bigla.


"Sa tingin ko, napatunayan mo na ring posible 'tong mga sinasabi ko", sagot ni X-Sensei sabay tingin kay Monique na ngayon ay walang malay.


Nang sabihin iyun ni Sensei ay doon ko din napagtantong maaaring tama nga siya. Sa lahat na ng nagawa ni Monique, maaaring totoo ngang may dugo siya ng isang Five Name.


-----

Sky's POV


Napatingin naman ako sa ibabang bahagi ng burol kung saan ako ngayon nagsasanay, kanina ko pa napapansin ang mga matang nakamasid sa akin. Sigurado akong hindi naman iyan mga wild beast. Sino naman kaya ang mga taong iyan?


Agad akong gumawa ng tatlong clone. Inutusan ko kaagad silang tignan kung sino ang mga tao na nasa ibaba, pero mukhang nakuha na agad ng mga taong iyun ang plano ko kaya sila na mismo ang lumabas.


"Who're you", I asked while facing these five persons na parang kaedad ko lang at sa tingin ko ay mula sa ibang village.


"We are warriors from the Kade Village, and we are here to arrest you", kumunot naman bigla ang noo ko nang sabihin niya iyun. From the Kade Village? Pero ipinagbabawal ang pagpunta ng isang tagaibang village sa ibang village maliban nalang kung isa itong mahalagang misyon. Pero ang babata pa nila!


"At bakit niyo naman ako aarestuhin? Sino ang nag-utos sa inyo?", mahinahon kong sambit.


"Look..", sambit nung isang babae sabay pakita sa isang picture.


"We're pretty sure na kilala mo ang babaeng ito", sabi nung babae sabay ngisi pa. Bigla ko namang naikuyom ang kamao ko nang makita ko kung sino ang tinuturo niya.


Si Chi. The whole picture is a picture of Chi, Monique and I, and I'm pretty sure na si Chi lang ang may picture na ganon sa aming tatlo ni Monique.


"If you're looking for her, then don't ask me, matagal na siyang pinatalsik dito sa Village for betraying us, kasapi na siya ngayon ni Greed", sambit ko then bigla nalang nagbago ang expressions ng mukha nila.


"Sapat na ang mga nalaman namin, Kichi, remove all his memories mula kanina. NOW!", sabi nung babae at agad namang tumalon ang isa pang babae papunta sa direksyon ko. Agad naman akong naging alerto. Remove my memories? Hindi ako papayag.


Agad akong naglabas ng isang karayom at agad itinusok sa lupa, then bigla nalang itong naglikha ng isang paglindol. Agad silang natumba dahil sa biglang pagyanig, and while they're in the ruckus.


"Transparency!", I shouted then bigla nalang nawala ang pigura ko sa buong paligid, that ability allows my physical body to disappear. In short, invisibility. Pero hindi lang ang katawan ko ang maglalaho, pati narin ang lakas ko, kaya gayon hindi nila ako matatract at matitrace.


"Shit! Nawala siya Oniki!", sigaw nung babaeng tumalon papunta sa akin kanina na sa pagkakatanda ko ay Kichi ang pangalan.

Five NamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon