Chapter 10

2 0 0
                                    

" Brittany POV "


5pm ng makauwi na ako sa bahay dumaan pa kasi ako ng libriary . Nang nasa labas palang ako ng gate namin amoy ko na ang mabangong ulam mula sa bahay .

Well hindi ako nagpapahuli pagdating sa pagkain . Nagmadali ako sa pagpasok , dumeritso agad ako sa kusina .

" Wow! ang bango naman ng mga yan . "

" O anak nandito ka na pala . Halika na , maupo ka . Kanina ka pa namin hinintay ng papa mo maaga ka kasi umalis kanina bakit ? " tanong ni mama habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko .

" Hmm ... Pu--mu-nta po kasi ako sa Libriary kanina ma . Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam bago umalis . "

"Ah! ganoon ba ? Eh! ngayon san ka galing medyo late ang uwi mo ?" pano ba to , late nga lang ang uwi ko queniquestion na nila . Paano na nalang kung mawawala ako ng Limang buwan .

" Ah - am Galing rin po ako sa libriary ." Nagkatinginan si Mama at Papa . Tapos sabay tumingin sakin .

" Hi-ndi kopo kasi natapos yung ginagawa ko kaya bumalik rin po ako ulit ng libriary kanina bag-o u-mu-wi . " Sabi ko ulit .

" Ang sipag ng anak ko ." Sabi ni papa . Lumapit sila sakin at niyakap ako ." Hindi namin pinagsisihan ang naging disesyon namin noon na isangla ang lupa. Kasi proud na proud kami sayo anak ." Sabi ni papa sakin .

" Pero bakit po may handaan yata tayo ? Ano po ang meron ngayon ? " tanong ko sa kanila . Nagkatinginan si mama at papa at tumingin sakin si Mama .

" Dahil pumayag na ang may ari ng lupa na ibalik natin yun pagkatapos ng Limang taon . " Tuwang tuwa sila ng ibalita sakin yun . Yumuko ako napansin nilang , matamlay ako .

" Anak ok kalang ba ? May sakit kaba ? " hinawaka ako ni Mama sa leeg .

" Ok lang po ako Ma . Wag po kayo mag alala . Tara ! po kain na tayo nagugutom nako e . "

" Ok sige . "


Habang kumakain kami hindi ako makapante , pano ako magpapaalam sa kanila ? ano idadahilan ko ? baka magalit sila ? o di kaya di nila ako papayagan . Pano na yan ?

" Anak !!! "

Nagulat ako sa pagtawag sakin ni Mama . Nabitawan ko tuloy ang hawak kong kutsara .

" PO ? "

" Ano ba nangyayari sayo ? Tinatanong ka ni Papa mo kung kumusta pag aaral mo sa Kindom College . "

" O-k na-ma-n po Pa " sagot ko .

" Bat wala ka yata sa sarili anak . May problema ba ? " Tanong ni Papa .

Magandang pagkakataon to para magpaalam nako . Tinatanong na ako ni Papa .

" Eh! ka-ka-si po .... " napabuntong hiniga ako .

" Kasi ano ? " tanong ulit ni mama .

" hmmm . ka-ka-si po Ma , Pa . May cam-cam-paign po ka-ka-mi . "

" Edi maganda . ! " Ngiti ni papa .

" Kelan ba yan ? Ilang araw kayo dyan at saan ?"

" Bu-kas po . Li-ma-ng buw-an po sa-sa ... "

Nabilaukan si Mama at Papa . Tumayo ako at binigyan sila ng tubig . Nang mahimasmasan na .

" ANO ? LIMANG BUWAN ? " sabay nilang tanong .

" Opo ! "

" Grabe naman yang campaign nayan anak sobrang tagal . Bat ganyan katagal yan ? "

" Meron po kasi mga challenge mama na gagawin . Para po matutunan raw namin maging independent . "

" Pero anak . Pwede ba na hindi ka sumama dyan ? " tanong ni Papa .

" Hindi po ! Kailangan raw po makipagcooperate at required sa school . "

" Hindi ko yata kaya mawala ka samin ng ganyan katagal " pag eemote ni Papa .

" Pa naman ! " lumapit ako sa papa ko at niyakap ko siya .



NGayon lang kasi mangyayari na malalayo ako sa kanila ng ganito katagal . Unica hija nila ako kaya alam kung hindi nila kaya malayo ako sa kanila . Kahit naman ako ganon ang nararamdam ko pero kailangan ko tong gawin hindi lang para sa akin kundi para rin sa kanila .

" Natatakot lang ako na may mangyari masama sayo dun anak . Wala kami sa tabi mo. "

" Pa , wag kayo mag alala sakin kaya kopo ipagtanggol ang sarili ko. ano ba naman kayo , nag aral kaya ako ng self depence . "

Umiiyak si Mama . LUmapit rin ako sa kanya .

" Ma , wag kana umiyak . "

" Kung para sa pag aaral mo anak magtitiis kami ng papa mo na malayo sayo basta aalagaan mo lang sarili mo dun . Wala kami dun ng Papa mo para alagaan ka . "

" Opo ! Promise . Group hug nga tayo " Naggroup hug kami .

" Basta mag iingat ka dun ha ! tatawag tawag ka samin . "

" Opo papa . "

" Anak san ba niyang campaign niyo " tanong ni Mama .

" ahh- m " Teka ano ba lugar na pwede sabihin sa kanila na hindi nila alam .

" saan ? " tanong ulit ni Papa .

" am . am . sa di ma- ta-g -pu-an . Tama ! sa di matagpuan island . " Nakangisi kong tingin sa kanila .

" Di matagpuan Island ? " pagtataka nila mama at papa .

" san yun ? Parang ngayon ko lang yata narinig yun . Alam mo ba kung saan yun Papa "

" Hindi rin . Ngayon kolang rin narinig yun . "

" Hmm kasi bago po Island yun Mama at PA . "

" Eh! bat Di matagpuan ang tawag ? eh natagpuan naman nila " kalokohang tanong ni Papa

" Kasi po ngayon lang natagpuan kaya ganon po . Wag na po magtanong na magtanong . Basta tatawagan kopo kayo pag nadun nako mag uupdate ako sa inyo araw araw para hindi kayo mag alala . " Hinug ko ulit sila .

" Dapat lang anak . Baka mamaya ikaw na hindi namin matagpuan . "

" ano kaba papa . Wag ka nga magbiro ng ganyan . " Hinampas ni mama si papa .

" Sorry !" bawi ni papa .


Nakatingin ako kay mama at papa . Naguguilty ako sa mga sinasabi ko sa kanila .... pero

Ma,pa sorry kung nagsisinungaling ako sa inyo . Sana maintindihan niyo kung bakit ko to gagawin . Ayoko lang ng may mangyari masama sa inyo . Mahal na mahal ko kayo at lahat gagawin ko para sa inyo . Patawad po !


---

*ito muna update ko . *

List of my Dreams . (Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon