Chapter 12

1 0 0
                                    

" Brittany POV "

Sinara ko na ang pinto ng kwarto . Waaa. Grabe ang gwapo pala ni mayabang . NAkita ko ang mga naglalakihan niyang muscle . At dahil dun kaya ako natulala kanina . Nakasando lang kasi siya ng white tapos boxer . HE ! Kainis bakit ba ako nakakaganito .

* ring ring ring *

Kinuha ko ang cellphone ko sa kama . Si Zabb tumatawag . Sinagot ko kagad .

" Hello . "

( on phone ) " Brittany ano kumusta ka dyan ? Nandyan kanaba sa bahay ni Young Master ?" Oo nga pala naikwento ko na kay Zabb at Patie yung tungkol sa kontrata ko kay Mayabang . Kweninto ko ang lahat sa kanila at pasalamat ako dahil naiintindan nila ako . At nagpromise sila sa akin na hindi nila sasabihin kahit kanin pero sa isang kondisyon . Dahil nga super fans sila ng mayabang na yun . Irereport kolang naman sa kanila kung ano ang mga paboritong kainin ni mayabang , ano tatak ng underwear niya ng mga damit na sinusuot niya at marami pa tungkol sa personal na buhay ng Young Master nila . Wala naman ako magawa dahil may pinanghahawakan sila sa akin at kaya ko lang naman kweninto sa kanila para in case na magkaproblema ako sa bahay ni mayabang makahingi ako ng tulong sa kanila . Hindi naman kasi ako pwede tumawag sa bahay alam niyo na nagsinungaling ako kay mama at papa .

" Ok lang naman . Kararating lang namin dito . "

" Talaga ? Ano nga pala niya sout niya ngayon ? "

" Ano tumawag ka para lang dyan ?" Gulat na gulat ako .

" Nakalimutan mo na yata napag usapan natin a ! "

" White sando at boxers ang sout niya . "

Halos mabingi ako sa sigaw niya .

" Talaga ? Brittany diba makakapunta ka sa bahay ni Jessalyn ? "

Si jessalyn schoolmate namin siya . Actually birthday niya ngayon .

" Hindi ko alam . Susubukan kopa . "

" Ano ! hindi pwede , dapat pumunta ka . At picturan mo si Young Master ngayon please tapos send mo sakin . Hintayin ko a . Bye ! See you later. "

" Babaan ba naman ako . "

at ano daw ? Pipicturan ko si mayabang baliw na talaga ang babaeng yun . 8pm palang naman mamaya pang 10pm ako pupunta sa birthday ni Jessalyn . Lumabas na ako ng kwarto para kumain . Pagdating ko ng kusina masama ang tingin sakin si Ram .

" Ano ba lagi mo nalang ba akong paghihintayin !!? "

" Sorry ! May kinausap pa kasi ako sa phone . " tapos umupo na ako sa tabi niya .

" Sino kausap mo ? " tanong niya habang kumakain .

" Friend ko . "

" Bakit daw ? " Nagtataka ako sa mga tanongan niya . Kailangan ko maging mahinahon .

" Kasi birthday party ni Jessalyn , magpapaalam sana ako na aalis ako mamayang 10pm . "

" Hindi pwede . " Tumayo siya at lumakad papuntang fridge . Lumingon ako sa kanya .

" Pero kailangan ko pumunta . Bakit mo ba ako pinipigilan ? "

" Ano kaba Brit , alam mo ba kung anong oras na ? Hindi na ito ang tamang oras para umalis ka pa ng bahay . Pano kung may mangyari sa yo dyan sa labas . Nag aalala lang ako sayo kaya please lang wag matigas ang ulo . "

Nilayasan niya ako at umakyat sa taas . Sa totoo lang gusto ko maging tahimik ang pagpapanggap namin ng limang buwan . Ayoko ng puro away at sigawan kami . Malaki na nga ang utang na loob ko sa kanya sa pagpayag niya na limang taon bago namin ibalik ang lupa nila . Pagpapasalamat ko na nga rin ito dahil hindi na magugulo ang mga magulang ko .

Kinuha ko ang phone ko ang itenext si Zabb na hindi ako makkapunta ng party . Ayoko siya tawagan magtatanong ng magtatanong lang yun kung bakit .




---------------------------------------------------------


---- Next Update . ----


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

List of my Dreams . (Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon