Brittany POV'
Nakalabas nako ng office nayun syaka lang lumuwag ang pakiramdam ko . Ano ba naman ang pinasok ko , unang araw ko palang marami na nangyari . May sumpa yata ang iskol na ito . Kung hindi lang kay mama at papa wala sana ako sa impyernong school na ito .
FLASHBACK '
" Brittany may maganda kaming ibabalita sayo " parang nanalo sa luto si mama at papa , ang lalaki ng ngiti nila . Nagtutupi ako ng damit ko sa sala nun .
" Ano po yun ? " habang patuloy kong pagtutupi .
" Huminga ka muna ng malalim " at ako naman si uto uto huminga din ng malalim .
" Hinga pa ng malalim " huminga nanaman ako .
" Hinga pa ng malalim anak " -- papa .
" Ma , Pa gusto nyo ba ako mamatay sa kakahinga ng malalim " pambihira naman kasi ayaw pakong diretsohin .
" Makakapag aral kana sa Kingdom School " sabay high five . OA talaga ng mga magulang ko ayts. Kinuha ko na ang mga damit ko at pagtayo ko para dumiretso na sa kwarto ko bigla naman akong hinila sa kamay kaya napaupo ako ulit .
" San ka pupunta ? " tanong ni papa . Nagsisimula nanaman kasi ang ambisyon nila sa buhay yung tipong napakarami nilang ambisyon pero di mo alam ko ano ang pinakagusto nila . Gusto raw nila magpatayo ng mansyon , minsan pa nga sinasabi nila gusto nila naliligo sila ng pera sobrang dami , kaya naman di ko na maintindihan ang iba . Kaya sino pa nga ba ang magkakaron ng ganang makinig sa mga sinasabi nila . Mahirap lang kami pano namin makakamit ang lahat ng gusto nila . Halos nagkakakuba na nga kami sa paghahanap namin ng pag kain sa araw araw .
" Yan nanaman ang ambisyon nyo ? Ma , Pa naman ano nanaman bang palabas ang gusto nyong mangyari , magsosout nanaman ba kayo ng gown tapos rarampa kayo sa labas at sasabihin sa kapitbahay , mayaman na kami at ano pagtatawanan nanaman tayo . Tigilan nyo na nga ang kahihiyan pwede ba ? "
OO . alam ko hindi dapat sbihin yun pero sa lahat ng kahihiyan na ginawa ng mga magulang ko ako ang mas pinagtatawanan sa labas ng mga kapitbahay namin .
" Brittany hindi kami nagbibiro totoo sinasabi namin " kala ko pagagalitan nila ako . Yun nakangiti parin .
" Ma, Pa kahit magtrabaho tayo ng 2 taon , hindi parin tayo makakapagbayad kahit 1/4 sa tuition ng school nayun naiintidihan nyo ba yun ? " ano ba naman tong mga magulang ko hindi man lang iniisip ang sitwasyon namin ngayon pano nga ba kami makakabayad sa tuition . Nababaliw na talaga ako sa kanila .
" Anak di na natin kailangan magtrabaho dahil mababayaran na natin ang tuition mo hanggang makapagtapos ka . " sabi ni mama ang seryoso ng mga itsura nila , parang di na to biro .
" Ano ibig nyong sabihin ? " pagtatakang tanong ko .
" Naalala mo yung iniwan sating lupa ? " iniisip ko yung sa lupang tinutukoy nla at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko .
O_O .....
" Wag nyong sabihing ibeninta nyo yun ? "
" Ano kaba anak hindi namin ibeninta yun ! "
" eh! ANO ? " dami pa kasing paligoy ligoy ng mga to .
" Naisip kasi namin ng papa mo , 5 years bago pa kunin samin yun ng may ari kaya nagdecide kaming isangla yun . "
" Nahihibang naba kayo , hindi nyo ba alam na pwede tayong makulong sa ginawa nyo ? " nanonoot nako sa galit.
" Anak makinig ka , napakatagal pa ng 5 years naisip namin ng papa mo kapag nakapag aral ka sa kingdom school na kilala sa boung bansa , napakadali na para sayo makapasok sa mga malalaking kompanya na malalaki ang sweldo at sa loob ng 1 taon mababawi na ulit natin yung lupa . " pambihira natutuwa talaga sila sa ginawa nila .
" At hindi lang yun anak pag kinuha na ng may ari ang lupa may bahagi tayo dun , tapos ikaw may maganda ng trabaho at unti unti na matutupad ang mga pangarap natin " Ok sana ang plano nila pero masyadong kumplikado pano kung kabaligtaran ang lahat e di paktay .
" Hindi ako papasok sa school na yun . Mabuti pang bawiin nyo ang lupa at ibalik nyo ang pera " Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang .....
" Pano yan mama may kontrata tayo 5 years bago natin ulit mabawi ang lupa ? sayang naman ang 2 million kung hindi mapupunta sa dapat " nagparinig pa talaga sila , gusto talaga nila ako makonsensya .
" Kaya nga papa , hindi naman natin masasabing di natin magagalaw yung pera masyado pang matagal ang 5 years " oo nga pala . imposible sa limang taon di mababawasan ang 2million nayun at pag nagkataon mas mahihirapan kaming makahanap ng pangdagdag sa nabawas sa pera nayun . Wala akong nagawa kaya napilitan ako sa gusto nilang mangyari .
" OO NA PAPAYAG NAKO ! " Nakapikit ako habang sinasabi ko yun dahil napilitan nanaman ako sa bagay na ayokong gawin .
" Narinig mo yun papa . Yehey!!! kingdom school kingdom school .... " Pumasok nako sa kwarto ko habang sila mama at papa paulit ulit na kinakanta ang kingdom school .
END OF FLASHBACK '
Nakakainis !!!! Bakit pa kasi naimbento ang kontrata . Andito ako sa rooftop ng school namin . Matapos ang nangyari sa office kanina parang gusto nang sumabog ng puso ko . Hindi ko na alam ang gagawin ko . Gusto ko isiping isang panaginip lang ito , isang masamang panaginip . Sasampalin ko sarili ko para magising ako .
PAK!!!! PAK !!!
" Awtsss ... hindi na ito basta panaginip . Mama , Papa ano ba namang tong plano nyo . "
-----------------------------------------
Passenssya na ngayon lang nakapag update . Busy sa school e ! Malapit na ang mga nakakakilig na pangyayari . ... ito muna update ko :)
BINABASA MO ANG
List of my Dreams . (Edit)
RandomAng pagpapaalam ni Brittany sa kanyang mga magulang .