" Brittany POV "
Hays ! Stressful ang araw na to . Pumunta pa kasi ako sa dati kong school after ng Klase ko kanina . Bininta ko kasi yung mga natitira pang polvoron, may project kasi kami sa Program kailangan ko ng 5 CD para sa programs na gagawin namin . Ayoko naman manghingi kay mama at papa .
Habang naglalakad ako pauwi may nakita akong lata sa mararaanan ko . Sinipa ko to nang biglang may tumahol na aso mula sa bahay namin . Malapit na kasi ako sa bahay nun . Nagtataka lang ako bat may tumatahol na aso sa loob ng gate namin e wala naman kaming aso .
Nagmadali ako sa paglalakad nang makapasok nako sa gate, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko . May mga Guard sa labas ng pinto ng bahay namin . Ang gagalanti ng mga sout nila . Lumapit ako sa isa tinitigan ko ang mukha niya . Tapos biglang may nagsalita mula sa likod ko . MAhinahon lang siya .
" Ano ginagawa mo Miss ? Sino ka ? "
Nangigil ako sa narinig ko . Ako pa tinanong niya ng ganon ang kapal naman ng pagmumukha niya .
Dahan dahan ako lumingon sa kanya .
" Anong karapatan mong tanongin ako ng ganyan . Eh -- ka - .... " laking gulat ko ng mamukhaan ko siya .
" IKAW ??? " Tinuro ko siya . Siya si Mr Ryung ang kanang kamay ng Mayabang na Unggoy ng Kingdom School .
" Miss Brittany kayo pala . Ano po ginagawa niyo dito ? "
Lumapit ako sa kanya . At dinuro duro siya .
" HOY! IKAW . PATI BA NAMAN DITO SA BAHAY NAMIN SINUSUNDAN NIYO KO "
" Hoo ??? " O_O nag iba ang itsura niya . Gulat na gulat ang tingin niya sakin . Hindi siya nakapagsalita .
Narinig ko ang boses ng mama at papa ko mula sa loob . Umiiyak sila . Lumakad ako paloob ng bahay bago palang ako makarating sa sala nakita ko si Mama at Papa nakaluhod sila sa harap ng isang lalaki na nakatalikod mula sakin . Hindi ko makita ang itsura ng lalake . Pero sa mga oras nato wala ako pakialam sa kanya . Ang mahalaga ngayon malapitan ko si Mama at Papa . Naaawa ako sa ginagawa nila para silang mga basang sisiw .
Lumapit ako sa kanila .
" Ma , Pa anong ginagawa niyo ? " humawak ako sa kanila . Inilalayan ko sila para tumayo . Nang makatayo sila . Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at ipinunas sa basa nilang mukha . Nakatalikod ako sa lalake kaya hindi ko pa nakikita ang itsura niya . Ang mahalaga kasi ngayon sakin ang mama at papa ko .
" Anak ! Patawarin mo si Mama at Papa ha ? " umiiyak parin sila .
" So! sa Kingdom college pala nag aaral ang anak niyo . ? " sabi ng lalake na nasa likod ko . Napatigil ako sa pagpunas sa mukha ng mama ko . Familiar sakin ang boses ng taong yun ? Don't tell me ? Lumingon ako mula sa likod ko . Nanlaki ang mata ko pero mas nanlaki ang mata niya .
" IKAW !!! ? " Sabay pa kaming dalwa . Napatayo siya sa gulat .
" Owws. So really disgusting at pag minamalas malas ka nga naman ! " pagtataas noo niya sakin .
" Wow nice ! Ikaw pa ngayon ang minalas . Ang kapal ng pagmumukha mo para sundan ako dito sa bahay ko. " panggigil ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
List of my Dreams . (Edit)
AcakAng pagpapaalam ni Brittany sa kanyang mga magulang .