Epilogue

70 4 0
                                    

HIs POV

God I'm so tired.

Pero syempre worth it lahat ng pagod ko, I saw a lot of our A'Tin today.

I smiled at that thought.

Buti nalang gumana lahat ng mga mic namin today, kundi maiinis nanaman ako.

I am aware na minsan di talaga maiwasan na sira yung ibang mics, kasi mahirap din i monitor lahat ng gamit when you are so busy.

We are en route pauwi sa hotel na chineck-in namin.

Naka van kami, medyo malayo pa ng konti kaya nakapagpahinga naman si Jah at Ken. Si Josh, ayon sobrang saya dahil nagbabasa ng comments sa bagong solo niya.

Kinuha ko ang isang mini notebook at may sinulat.

"Always prioritize to check mics before performance from now on." Natatawang basa ni Stell sa gilid ko.

Lumingon ako sa kanya with my annoyed face.


"Ito naman! Ang sungit sungit mo talaga! Susumbong kita kay Sandra eh." Pagbabanta niya.

I just laughed at him and dialed Marie's number.

"Ayan! Ganyan yan siya. Isang mention lang sa pangalan ni Marie sobrang natutuwa na." Iling-iling na sabi ni Stell, nagtalukbong ng kumot at sumandal sa bintana para matulog nadin.

'The number you have dialed is now unattended---'


Saan kaya siya? Pabalik nadin kaya sila sa hotel?

Di kasi kami nagkasabay kanina dahil ang daming tao, since nasa audience seat siya kanina.

Minsan naman pumapayag siyang sa backstage pero sabi niya mas gusto niya kaming makitang magperform kaya kasama niya sina Jacob at Missy.



Tinawagan ko si Jacob pero nakapatay cellphone niya.

Wala din naman akong number ni Missy.

Di ko alam pero bigla akong kinabahan. Pano kung may dumakip muli sa kanya?

Nataranta ako at biglang ginising si Stell.

"Stell? Stell! Stell! May number ka ni Missy? Di sumasagot si Marie tapos nakapatay ang cellphone ni Jacob." Hinihingal kong sabi.

Mas hinihingal pa ako kesa sa pag perform namin kanina.

"Pablo. Calm down okay? Breathe. Inhale. Exhale. Meron akong number ni Missy. Kalma lang." Sinunod ko naman yung sinabi niya at huminga ng malalim tapos umexhale..

Tumango lang ako habang kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Missy.

"Eto na. *loudspeak* Missy? Hello? San daw kayo sabi ni Pablo? He's worried di daw sumasagot si Sandra."

"Hoy bruha!! Sagutin mo nga jowa mo! Kanina pa tumatawag sayo!" Narinig kog sermon ni Missy kay Marie.

"Ay hala sorry! Hello? Mahal! You there?" As soon as I heard her voice..

I immediately calmed down.

Binigay ni Stell yung cellphone niya at nagtalukbong muli ng kumot.

"Sorry Stell. At maraming salamat." Nakonsensya kong sabi sa kanya.

Tinapik niya ako sa balikat sabay sabing..

"Anytime pinuno. Don't hesitate to ask our help, nandito kami para sayo." Sabay kindat ng loko at natulog ulit.

" *munch munch munch* Maharl? Helloooo~" Rinig kong sabi ni Marie sa kabilang linya.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon