Chapter Nine: A glimpse of 'her'

171 11 0
                                    

His POV

"Pupunta daw tayong Davao ulit pinuno." Sabi ni Stell saakin.

Tumango lang ako at bumalik sa pag-gigitara.

"Luh di ka excited makita siya ulit?"

"Excited akong makita ang A'Tin ulit kaya nga nag papractice ako dito oh." Sabi ko sa kanya.

"Luh nakalimutan mo na talaga siya." Malungkot niyang sabi.

"Sino?" Tanong ko.

"Yung babaeng nakita natin sa grocery sa Davao." Sagot niya.

"Ah. Alexandra Marie Reyes~" Mahirap kasi siyang kalimutan dahil natatawa parin ako tuwing naaalala ko ang mukha niyang sobrang gulat.

"Naalala daw niya ang buong pangalan oh!" Siglang sabi ni Stell.

"Stell.." May pagbantang sabi ko.

"Okay okay chill lang pinuno sige practice kana sabihan ko lang yung tatlo hehehehe." He said awkwardly and umalis na ng kwarto. Nandito kasi kami sa bahay naming lima.

Tinignan ko naman ang sched ko. Mall show pala this time huh.

Pupunta kaya siya? Di ko alam bakit pero I am really looking forward on seeing her again. There's something in her na parang sinasabihan kang 'wag mo akong kalimutan'.

Just probably my imaginations though.

I scrolled my facebook account and pumunta sa friend requests. Madami-dami rin ang nag a-add saakin, merong mga fan account and real ones.

May pinili naman akong iaccept pero kokonti lang, mga sampo lang ata yon.

I am looking for her name kaso wala. That's why I searched her whole name.

Shoot. What are you doing John Paulo? Are you really interested in this woman?

Nandito namana so why not tignan diba.

Nakita ko na ang facebook account niya. And nag friend request rin pala siya saakin.

Baka naman dati pa siya nagfriend request dahil tinamad na akong magscroll eh. May button naman na accept dun sa profile niya.

I clicked it and there you go, we are now friends... On facebook.

Nakita ko ang profile niya. She's pretty and cute if I may say.

Nagscroll pa ako sa fb niya and saw their blood model project. Maraming nagcongrats dahil siya ang highest sa minor subject nilang 'yon.

Maybe she's a nurse, medtech or any medicine related course.

Nagpatuloy lang ako sa pagstalk at nalaman kong 2nd year Medtech student siya. I guess she's around 20 or 21 years old?

Nung sti-nalk ko twitter niya nalaman kong ngayong April na birthday niya eh. It is February na ngayon. Hmm lapit na, two months nalang.

Why did I even care about her birthday in the first place?

After stalking her, tss nagiging stalker nako tuloy nito eh.

Umalis na ako ng kwarto at bumaba na para sabihan silang pumunta na kaming studio para mag practice. Well, rest day naman namin ngayon so it is up to them kung gusto nila or nah.

"Pinunoooo rest day ngayon jusko." Sabi ni Jah.

"Dree anime muna." Pagmamakaawa ni Ken.

"Relax muna tayo ngayon Pinuno. Tara karo tayo!" Aya ni Josh saakin.

Napatawa nalang ako sa kanila. Pinuntahan ko si Stell na nagluluto ng lunch namin. Malapit na pala mag alas dose.

"What's our lunch for this noon Stell?" Tanong ko sa kanya.

"Sinigang pinuno." Sabi ni Stell.

Tumango naman ako at naghihintaysa luto ni Stell.

"Bukas nalang tayo magpractice ah!" Sabi ni Stell saakin, narinig niya ata usapan namin sa sala.

"Well, obviously dahil kailangan nating pumunta sa studio bukas." Komento ko naman.

×××××××××××××××

Kinabukasan, nagpractice na kami ngayon sa studio for our mall show in Davao. We took a break and the first thing na hinawakan nila ay yung cellphone.

Uminom rin muna kami ng tubig.

Nagcellphone rin ako at sinuot ang airpods ko while listening to some musics. Hininaan ko lang ito para di ako makatulog ng tuluyan, mag papractice pa kasi kami.

Nag-alarm ako sa cellphone ko, after 20 minutes break magpa-practice na kami ulit.

"Sikat na siya sa America." Narinig kong sabi ni Jah.

"Sino?" Curious na tanong ni Josh.

I peeked a little and nakita ko sa peripheral view ko na pinakita ni Jah ang cellphone niya sa tatlo.

I secretly turned off my music without taking off my airpods.

"Hoy jusko dai. Wag na wag niyong i-memention pangalan niya kung gusto niyo pang mabuhay." Rinig kong bulong ni Stell.

"Dre baka mapa-punish tayo nito tumahimik ka lang dyan okay?!" Banta rin ni Ken.

Napatawa ako sa isip ko, I'm still closing my eyes.

Maybe they are talking about her.

So sikat na pala siya ha? I smirked a little is this what she got when she left me behind, dumbfounded?

Is it really worth it to leave a person you love in exchange of popularity?

"YEAH WE GONNA GO UP!!!"

Nag-alarm na ang phone ko. I opened my eyes tsaka tinanggal ang airpods ko.

"Back to practice guys!" Sabi ko sa kanila.

"Hehehehe pinuno did you heard something?" Kinakabahang tanong ni Jah.

"About what?" Nagtatakang tanong ko.

I pretended na di ko narinig ang pinag-uusapan nila. Even I, myself, don't really want to bring that topic up.

"Wala walaaa hehehehe sabi kasi ni Jah gutom na raw siya." Palusot ni Stell.

"Hala ba't mo naman sinabi Stell!" Nakisabay rin naman si Jah.

Ang galing talaga ng mga to kung di ko narinig usapan nila kanina iisipin ko talagang ito ang pinag-uusapan nila.

Napatuloy na kami sa pagpapapractice para sa mall show namin.

×××××××××××××××

After a week of practice, nandito na kami sa airport. 5am ng maglanding dito ang eroplanong sinakyan namin.

"Waaa kapagoood." Sabi ni Ken.

"Anong nakakapagod dun eh umupo ka lang naman sa eroplano?" Pangbabara ni Josh.

"Tsk. Ewan ko sayo Josh." Sabi nalang ni Ken.

Minsan talaga parang mag-ex na gustong magkabalikan kung umasta tong dalawa eh.

Ex..

Tsk. Instinctively, naalala ko na naman siya.

I just shrug as if that would erase her in my mind.

"Woah dami na niya fans." Sabi ni Jah out of the blue, sumilip naman si Stell sa cellphone nya at binatukan siya.

"Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Jah gusto pa naming mabuhay." Rinig kong bulong ni Stell.

Napabuntong hininga naman ako.

"Rinig ko yon." Sabi ko sa kanila.

"Ehehehehe wala pinuno si Sharlene kasi oh dami na followers niya." Palusot ni Jah sabay pakita ng IG account ng celebrity crush niya.

But I know who he initially meant.

It's her...

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon