Chapter Twenty Three: Lockscreen

163 13 4
                                    

Her POV

Grabe kakasabi ko lang ng nothing could go wrong eh.

Wala naman talaga.

Wala namang problema. Actually it is quite opposite.

Sa tuwing bibigyan ko sila ng towel dahil pinagpapawisan silang lima eh parang natatakot yung apat na tanggapin ito saakin.

Tapos paglalagyan ko sila ng tubig sa baso lumalapit sila sabay sabing sila nalang daw. -__-

Si Sejun naman tingin lang sa gedli. -___-

"Guys naman! P.A niyo ako let me do my job." Di ko na napigilan at pinagalitan ko na talaga sila.

Naman kasi nakakahiya kayang tumanggap ng sweldo tapos ganto diba?

"May light burn ka pa Marie. Don't overdo yourself." Sabi ni Sejun saakin.

"Di naman siya masakit... Masyado. Konti lang." Medyo magulo kong sabi.

"Don't worry Sandra nag-aalala lang talaga kami sayo." Sabi ni Stell.

"Hala nakalimutan pala nating sabihin kay teacher na nasunog braso nya!" Justin exclaimed.

"OA ng nasunog ha para namang 3rd degree burn 'to Jah eh ano." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Oo nga noh." At napakamot siya sa kanyang mukha dahil sa hiya.

"Lunch time na boys." Pumasok si ate Rose.

"Ate Rose! Nasunog ang balat ni Sandra!" Oa na sumbong ni Jah. -__-

"Ha!?! Saan!? Kayo talagang lima eh!" Pagsesermon ni ate Rose sa kanila.

"Jah kasi parang ewan. Di naman po siya malala ate Rose." Lumapit siya saakin at chineck ito.

"Nabasa ko na po siya sa tubig ate Rose para mag cooldown." Sabi ni Sejun sa kanya.

"May ointment doon sa baba, pakikuha Josh." Utos ni ate Rose kay Josh. Nag 'okay po' naman si Josh at lumabas na ng training room.

"Okay lang po talaga ako ate." Pag-aassure ko sa kanya, nag-aalala kasi yung mukha niya eh.

"Kumain na kayo sa labas boys, susunod lang kami don pag-akyat ni Josh dito." Sabi ni ate Rose sa kanilang apat.

"Sabay na po tayo ate Rose." Sagot naman ni Sejun sa kanya and she just smiled.

Pagdating ni Josh ay kaagad na nilagyan ni ate Rose ng ointment yung paso ko.

"How does it feels now?" Tanong ni Sejun.

"Okay na. Much better." Sabi ko sa kanila and they just smiled. Nag exhale pa nga sila na parang nabunutan ng tinik eh.

Lumabas na kami at sabay kaming kumain ng lunch.

"Ansarap talaga kumain pagwalang kondisyon kondisyon eh." Tuwang tuwa na sabi ni Josh.

"Bato bato pick ulit sa paghugas ng mga pinggan ha!" Natatawang sabi ni Stell and Sejun just let out a sigh.

"Tsk. Ako nanaman 'to panigurado." Bulong niya sa tabi ko.

Katabi ko si Sejun sa kanan at si Josh naman sa kaliwa.

Kaharap ko si Ken, kaharap ni Sejun ay si Stell. Ang kaharap naman ni Josh ay si Jah na katabi si ate Rose. Bale magkatabi ang JahKenTell sa harap namin.

Gets niyo ba? Hehehehe👉👈

Tumayo si Justin at Ken para kumuha ng tubig, dahil inuuhaw kaming lahat nagpakuha rin kami kaso tumayo narin si Stell para tumulong sa kanila dahil di nila kayang humawak ng anim na baso noh. May tubig na kasi si ate Rose at patapos na rin siyang kumain.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon