Chapter Eight: Blood Model Part Two

188 14 2
                                    

Her POV

Di muna kami nagbyahe ni Jacob pauwi ng bahay dahil andito pa kami ngayon sa National Book Store, naghahanap ng magagamit namin for our project.

"Ang mahal dito sa loob ng department store nalang kaya tayo?" Suggest ko sa kanya.

Tumango lang naman siya and then I lead the way.

"Nga pala anong itatawag ko sayo? Jacob or Patrick?" Tanong ko sa kanya.

Baka kasi ayaw niyang tawagin sa isang name nayon tapos masabi ko pa edi baka magalit maapektuhan pa project namin.

"Ikaw bahala." Sabi niya.

"Hmm. Okay. You can call me Alexandra or Sandra." Sabi ko tumango lang naman siya.

Grabe ang hilig magtango ng taong to.

Habang naglalakad kami papuntang Department Store ay nag earphone lang ako at nagpatugtog ng Tilaluha. Pero yung kapares ng earphone di ko sinuot baka may biglang sabihin si Jacob eh.

I decided to call him Jacob since yun naman first name niya.

Di ko napigilan sarili ko at napakanta ako sa may chorus.

"Who sang that?" Tanong niya saakin.

"Oh~ SB19! Super talented nilang lahat masyado! First ever PPOP boygroup trained under korean entertainment company! Try mo search sa youtube ganda ng songs and covers nila." Masayang sabi ko.

"I only asked who sang it but then you promoted them to me." Natatawang sabi niya.

Oh~ He laughs? Akala ko masungit to eh.

"Hehehehe they deserve to be stan kasi eh." Sabi ko at pumasok na kami sa department store para mamili ng bibilhin. We bought some clays, buttons at iba pang gamit na tingin namin magagamit namin. Kung hindi edi sa ibang projects nalang diba?

It is currently 10:15am. Yes umaga palang and 7am yung art class namin tapos wala na kaming ibang pasok sa hapon hanggang bukas.

Minsan nagpapasalamat ako dahil magagawa ko ang projects ko during this time eh pero there are times talaga na nakakapagod bumangon.

Nagbayad na kami sa cashier and Alab na yung nasa playlist ko kaya napakanta naman ako ng "PAYEEERRR!"

Napatawa naman ang cashier at kumanta ng "Di na matatanggiiii~"

Nagkatawanan lang kami at nag biruan pa.

"Get in the zzzoneeee!" Sabi ko.

"Break!!!!" Masigalang sabi ng cashier at binigay na saakin yung pinamili namin. Kinuha naman ito ni Jacob at sinabing siya na daw ang magbibitbit.

Nagpaalam na kami ng cashier sa isa't-isa.

Nagtatakang tumingin saakin si Jacob.

"Oh. That is SB19 thingy." Natatawang explain ko tumango lang naman siya.

Nanonood ako ngayon ng mga performance ng SB nung concerts nila since di nga ako nakapunta habang naglalakad.

Nakikita ko naman sa peripheral view ko kung may tao oh wala eh.

Hanggang sa part na ni Sejun kya sa kanya na ako nakafocus.

Ayon malapit tuloy akong matapilok mabuti at nahawakan ako ni Jacob.

"Tsk." He clicked his tongue sabay bunot ng earphones ko at kinuha ang phone ko then nilagay sa bag niya.

"Hey!" Reklamo ko.

"Mamaya na yan. Mapano ka pa." Seryosong sabi niya saakin habang tumititig.

Nabigla naman ako kaya di na ako umapila pa tsaka bumaba na kami ngayon sa escalator.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon