Chapter Two: Bugnutin Sejunnie

307 16 2
                                    

His POV

Nandito kami ngayon sa studio para mag ensayo dahil pupunta kami sa Davao.

"Okay let's go guys! *sabay patugtug ng Alab*" Sabi ko sa kanilang apat at nag simula na kaming magpractice.

"Teka teka!" Sabi ko at lumapit sa speaker pagkatapos ay pinatay ang tugtog.

"Jah nakita ko yun. Late ka ng one count." Kunot-noong sabi ko sa bunso namin.

"Pinuno one count lang naman. Di na mahahalata ng mga tao yun noh." Depensa naman nya sa sarili niya.

"Ikaw talaga Sejun ang strict strict mo talaga. Maknae natin yan noh. Bunso natin yan. Our baby." Sabi ni Stell sabay lapit saakin at umakbay.

Si Ken? Ayun umupo tsaka tumingin sa ilaw na parang may sariling mundo.

Si Josh naman kinuha ang cellphone niya't mag seselfie. -_-"

At ayon konting break lang may sari-sariling mundo na tong mga 'to.

Tinitigan ko naman si Stell ng masama kahit naka-akbay siya saakin.

"Ikaw talaga Jah! Ayusin mo kasi! Ken! Turuan mo nga si Bujing!" Sabi ni Stell sabay smile sakin na parang sinasabing 'problem solved'

"Teka ba't ako?" Nagtatakang tanong ni Ken. Hay nako talaga tong manok na to.

"Aba malamang ikaw main dancer noh!" Sagot naman ni Stell.

"Gusto mo Jah ako nalang magturo sayo?" Singit pa ni Josh.

"Teka teka ako lang!" Sabi ulit ni Ken. Pinag-aagawan ba naman si Jah mga kupal talaga ng mga to.

"Teka nga! Ba't nyo naman ako tuturuan eh alam ko naman ang lahat ng steppings!" Singit ni Jah.

"Aba aba walang pag galang ha." Sermon ko sa bunso namin.

Nag loading naman saglit si Jah sa sinabi niya at.

"Teka nga po! Ba't nyo po ako tuturuan eh alam ko naman po lahat ng steppings!" Ulit ni Jah sa sinabi niya.

"Bilisan mo kasi konti sa part ko daw kasi Jah na 'I feel so aloneeee'. Sumilip ka pa kasi kay Ken eh." Sabi ni Stell.

"Teka alam mo naman pala ang problema dinefend mo pa siya kanina!" Sermon ko kay Stell.

"Nakita ko sa mahiwagang salamiiiiinnnnn~" Kinanta ni Stell yung last word sabay turo sa malaking salamin na nasa studio namin.

Napabuntong hininga naman ako sa kakulitan nilang lahat.

Napa-iling iling at napa smile.

"Susumbong ko kayo kay teacher." Bantang sabi ko.

Napatigil naman silang lahat sa kani-kanilang ginagawa at unti-unting tumingin sakin.

Yung tipong galing sila sa kani-kanilang mundo kanina tapos ngayon bumalik na sila sa Earth.

"Teka! Ba't naman kami lahat eh si Jah lang yung nagkamali!" Sabi ni Stell at binatukan si Jah.

"Tara Josh runthrough nga natin yung part na...." Sabi ni Ken at unti-unting lumapit kay Josh kaya di ko na narinig yung usapan nila tsaka nag sayaw sayaw naman sila don.

"Hoy po mga kuya naman wag nyo kong iwan. T___T" Mangiyak iyak na sabi ni Jah.

Napabuntong hininga naman ako ulit.

"Josh! Ken! Lapit na kayo dito. Ulitin na natin yung Alab." Sabi ko sa kanila at nag practice ulit kami.

This time yung sa part ni Stell eh di na sumilip si Jah kay Ken kaya di nasya na late sa position niya.

Natapos na namin yung Alab at na satisfy naman ako sa kanilang lahat dahil ng focus na sila.

"Si teacher lang pala magpapatino sa inyo eh." Natatawang sabi ko sa kanila.

Kahit kasi seryoso at galit na ako sa kanila pero deep inside gusto kong matawa.

"Sobrang strict ko na sa inyo pero di parin kayo nag fofocus. -_-" Dagdag ko.

"Kasi naman Sejun no, di kasi nakakatakot ang mukha mo. Sobrang maamo kasi." Hirit ni Stell at umakbay nanaman sakin.

Anyari sa istoberi nato kanina pato akbay ng akbay sakin ah.

Si Ken ayon humiga sa sahig at nag galaw-galaw sa kanyang mga paa at kamay na parang may snow dito't gingawa niya yung angel thingy.

Si Josh at Jah naman nag-uusap at biglang tumatawa.

"Go Up nanaman!" Sabi ko sa kanila.

"Haaaaah!?!!" Reklamo nilang lahat na pati si Ken ay napabangon akala ko naman magrereklamo pero...

"Ano daw sabi dre?" Inosenteng tanong ni Ken kay Jah.

Napakamot naman si Jah sa kanyang ulo na parang di makapaniwalang di narinig ni Ken yung sinabi ko.

"Ken! San kaba galing ha!?" Tanong ni Jah.

"Jah pagpasensyahan mo na, galing sya sa mundo niya eh." Natatawang sabi ni Josh.

"Eh? Eh eh eh eh eyyyrrrr twentyyy-oneeee!!!!" Hirit at sabay kanta ni Jah habang sinasayaw yung Fire by 2ne1.

"Jusko dai nag sisimula nanaman." Naiiling-iling na komento ni Stell kay Jah.

Oh diba? Paano ka magiging strikto kung ganito sila kagulo't kakulit?

Kanina pa talaga ako natatawa pero pinipigilan ko lang.

"Sige na nga break muna. Kain na muna tayo." Sabi ko sa kanila. Naiintindihan ko naman na pagod na sila dahil ilang beses namin inulit yung Alab na sayaw.

"Ayooonnn!!!" Tuwang-tuwa na sabi nilang apat.

"Street foods tayo guys para tipid!" Sabi ni Josh.

"Pero dapat may istoberi ha para healthy kahit nakain tayo street foods." Hirit ni Stell sa kanyang pinakamamahal na strawberry.

"Side dish tayo ng mais!" Promote pa ni Jah sa kanyang mais.

"Dre lunch kakainin natin dapat mag manok tayo!" Hirit ni Ken.

At sabay-sabay naman silang naghanda para lalabas na sana ng studio ngunit pinigilan ko sila.

"Oh? San kayo pupunta?" Seryoso kong tanong ko sa kanilang apat.

"Kakain pinuno kakasabi mo lang ehhhh." Pa cute na sabi ni Bujing.

"Oy Sejun mahal kita. Mahal ka namin pero wag na wag mong babawiin ang sinabi mong mag be-break muna tayo't kakain!" Pagmamaktol ni Stell na parang bata.

"Oo nga at pinuno kailangan natin kumain sa oras para lumaki tayo ng maayos diba Josh?" Tanong ni Ken sabay nakakalokong tumingin kay Josh.

"Sige sige. Nagsisimula nanaman to ha. Nananahimik na nga ako dito eh!" Inis na sabi ni Josh.

"Sabi ko break at kakain di ko naman sinabing lalabas ng studio." Pigil ko sa kanilang lahat.

"Eh san tayo kakain?" Tanong ni Jah.

"Oo nga pinuno." Sang-ayon naman ng lahat.

"Dito malamang." Sagot ko.

"Parang ayaw ko ang pupuntahan ng usapan na to ah." Sabi ni Josh.

"Hays. Alam na." Buntong hini ga na sabi ni Stell.

"Bakit bakit? Anong alam na dre?" Tanong ni Ken sa kanila.

"Hays kayo lang naman ni Ken nakakabenepisyo sa ganito pinuno eh!!!" Pagmamaktol ulit ni Jah.

"Bakit ba kaseeeee dreee anong meronnnnn?!!!" Pangungulit na tanong ni Ken kay Jah at hinawakan ang braso ni Jah sabay yugyug dito.

May kumatok naman sa pintuan namin, si ate Rose pala.

"Oy Sejun nandito na!" Masayang sabi ni ate Rose.

"Ugggghhhhh!!! Nanamannnn!!!" Reklamo nilang tatlo except kay Ken.

Naamoy naman agad ni Ken yung dala ni ate Rose at ang laki ng ngiti sabay lapit dito at tinulungan si ate Rose na ihanda ang inorder kong dalawang lechon manok tsaka mga hotdog na galing sa 7/11.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon