Chapter Thirty Four: Busy Birthdays

144 14 7
                                    

Her POV

Weeks have passed and pasukan na namin.

Sabay kaming nag pa enroll nina Jacob and Em-em para blockmates ulit kami.

Isang na buwan na ata talaga ang lumipas?

I ..

I've lost count.

Sabi ko magmomove on na ako but I'm so stupid.

I can't believe I'm still waiting for him to call me.

I understand naman na they are very busy dahil napaka hectic ng sched nila sa Manila ngayon.

Kaliwa't kanan na mall shows, radio guesting and events.

I know firsthand gaano sila kabusy dahil nga aside from being their closefriend A'Tin ay P.A nila ako.

But I know Sej, if may gusto siyang gawin, gagawan niya talaga ng paraan.

Magaling sya sa time management, kaya nga gumigising yun ng maaga dahil alam niyang matagal syang matapos mag make up.

Maybe it's because I'm not worth of his time?

Naiinis ako sa sarili ko, wala naman syang sinabing ano pero umaasa ako.

Di naman sya nag promise na tatawag sya pero naghihintay parin ako.

"Hoy Sandra makinig ka nga ako kinakabahan sayo ilang araw kana lutang." Pabulong na sermon ni Em-em saakin.

"Mas kabahan ka sa sarili mo Em, kahit di nakikinig si Sandra mas malaki pa kuha niya sayo." Natatawang sabi ni Jacob na nasa tabi ni Em-em.

Bale nasa gitna si Em, oh ano akala niyo si Em-em na gusto niya?

Hindi, palagi siyang vocal saakin na may feelings siya for me. :3

The thing that I admire him the most, dahil ako di ko magawang sabihin sa taong mahal ko na mahal ko siya.

Tumabi siya kay Em-em dahil sabi niya baka magiging uncomfortable ako kung palagi siyang didikit saakin.

He really is thinking about me before anything else.

About sa issue nga pala with other people throwing hate comments at me ay okay naaa!

Yeeeey! ^___^

May dalawang big accounts kasi na sinabing kung ano man connection ko sa boys ay sana'y tanggapin nila at irespeto ako dahil tao rin naman ako, nasasaktan and technically wala naman talaga akong ginagawang masama. T____T

Kaya ayon andaming retweets and replies.

Kaya mahal na mahal ko ang A'Tin kasi kahit apaka daming issue, we still choose to stay sa fandom to support the boys.

For the boys.

And this time, iniiwasan na nila ang issues. They chose to spread positivity everyday which is a good thing.

June 13 na ngayon at malapit na ang birthday ni Stell.

Kahit sa klase ay iniisip ko kung ano ang ireregalo ko sa kanya.

Ang dami kong iniisip kaya gaya ng sabi ni Em, ilang araw na akong lutang. T___T

Nagulat nalang ako ng biglang nagsitauyan mga kablockmates ko.

"Madam class dismiss na ho." Sabi ni Em saakin. Niligpit ko na mga gamit ko at sabay kaming pumunta sa malapit na mall dahil wala na kaming klase.

Ano bang magandang ibigay kay Stell? T___T

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon