Chapter 9 - Ouch

253 10 20
                                    

Warning: Sabaw xD

--

*Day 3 ng deal*

DANIEL

Wala namang masyadong nangyari kahapon. Pumasok kami sa BPU atsaka namasyal lang naman.

Kasama ko rin si Kath tuwing vacant at magkasabay din kaming nag lulunch.

Pa'no siya pumayag? Simple lang. Tinakot ko. Jerk here. ;)

Hay. Ano na naman pakulo kaya ang pwede kong gawin mamaya? Hmm.

Kailangang mainlove na iyon sa akin sa lalong madaling panahon.

Ayoko ng mapalapit pa sa kanya. Baka makalimutan kong deal lang ang lahat ng 'to.

Hindi ako pwedeng mainlove sakanya. Hindi pwede.

Tsk. Makapasok na nga!

KATHRYN

"Mame! Aalis na'ko ah? Bye!" Sabi ko sabay kiss sa pisngi ni Mame.

Oo 'mame' na ang tawag ko sakanya. Hindi na "Mama". Idol ko si Dawn ng Danger's Style eh. Nagbabasa din ako nun aba.

Napatawa ako.

"Mame ka diyan. Oh siya, sige. Ingat!" Sabi ni mame.

"Sige mame. Byeee!" Sigaw ko habang papalabas ng bahay.

Sumakay na ako sa Porsche ko. Alam niyo, ito nalang ang nag-iisang alaala ko kay Daddy. Wala na siya eh.

Nagkaheart attack daw a year ago.

Bakit 'daw'? Kasi hindi ko alam eh. Wala akong alam.

Parang hindi nga ako parte ng pamilyang to eh.

Ang daming sikretong di ko alam.

Si Daddy na nga lang ang ang kakampi ko noon, nawala pa.

Ni hindi ako binigyan ng chance na makausap siya bago siya mamatay.

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.

Oh well, pabayaan na muna iyan.

Nandito na pala ako sa BPU.

Bumaba na ako ng sasakyan at lumakad na papuntang classroom.

"Ouch! Di ka ba nagmemake ingat?! Arghh!" Pataray na sabi ng babaeng nakabunggo ko. Ang arte ah?

"Eh ikaw, bulag ka ba? Kita mong dadaan ako, bat di ka tumabi?" Mas mataray na sabi ko.

Nanggalaiti ang mukha niya.

Well, the feeling is mutual.

"Aba! Di mo siguro ako kilala no?! For your information, anak ako ng isang share holder ng school na to. Di ako basta-basta. Ako si Nadine Lustre." Pananakot at the same time pagpapakilala niya.

So matatakot na ba ako ganun? Pwe!

"So? Di kita kilala at wala akong balak kilalanin ka. But just so you know, ako lang naman ang anak ng may-ari nitong school." Buong diin na sabi ko at iniwan siyang naka-nganga doon.

Well hindi naman kami literally ang may-ari kasi may ka share kami pero yun parin yun.

Hay nako. Bago lang siguro iyon. Tsk.

Andito na pala ako sa room. Makapasok na nga.

"Hi babe!" Bungad ni Dedge sabay kindat. Ew. Hindi bagay.

"Pwe! Babe ka diyan. Tabi nga!" Sabi ko sabay tabig sakanya kaso anlakas niya.

"Panira ka talaga Kath. Hay nako." Sabi niya sabay pout. Eww again.

"Oo panira talaga ako. Sisirain ko yang pagmumukha mo pag di ka pa tumabi!" Banta ko.

Tumabi naman siya agad. Good boy.

Teka, akala ko ba jerk to? Di naman pala uubra eh. Sus.

May narinig akong mga humagalpak sa tawa.

"Wala ka pala tol eh. Under!" Sigaw ng isang grupo ng mga lalaki.

Teka. Sina Kats to ah?!

"Oy. Kats! Lester!" Sigaw ko sabay yakap sa kanilang apat.

"Waaaah! Namiss ko kayo!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Paano ko sila nakilala? Well, magkaklase kasi kami noong 1st year. Dito kasi ako nag-aral eh. Kaya lang lumipat ako noong mag 2nd year.

"Na miss ka din namin Kath!" Sabi ni lester.

"Dito parin pala kayo nag-aaral." Ngumiti ako. "Hindi niyo na ako kinontact magmula nung umalis ako ah? Bad kayo!" Kunyaring nagtatampong sabi ko.

"Eh ikaw kasi eh. Bigla-biglang aalis. Tsaka, hindi namin alam kung paano ka kokontakin. Anong bang nangyari sayo?" Tanong ni Kats.

"Ah basta. Long story." Iyon lang ang tanging sagot ko.

"Andami nangyari magmula ng umalis ka kath." Sabi ni Seth.

"Uy Seth! Namiss kita." Sabi ko.

"Namiss din kita." Sabi niya at ngumiti.

Bihira lang ngumiti 'tong isang to.

"Oh so hangin lang pala ako dito no?" Pilosopong tanong ni Daniel.

Nandito pala siya. Nakalimutan ko.

"May hangin bang nagsasalita? Oh well mahangin ka din naman so pwede na." Sabi ko.

"Ewan ko sayo Kath. Anlakas ng tama mo!" Sabi niya.

"May bago pala kaming miyembro, Kath. Si Daniel Padilla. Kapatid ko sa ama. Hindi na pala kame parking 4, Parking 5 na." Sabi ni JC. Tumawa siya.

Nagulat ako. Oh. So magkapatid sila? Anlayo ng ugali ah.

"What? Ka-member niyo to? Ew. "
Sabi ko sabay turo kay Daniel. Harsh ba? Tumawa ako.

"Grabe ka KC ah!" Na offend na sabi niya.

"Teka! KC?!" Gulat na tanong ni kats.

*kriiing!*

Time na pala. Mag-stastart na ang klase. Umupo na kaming lahat.

DANIEL

Grabe. Ansakit lang.

Hindi yung pang-eew nya sa akin ah? Well siguro part narin iyon. Pero, biro lang naman siguro iyon.

Kundi yung fact na naaalala nya yung ibang tao samantalang ako ni wala siyang clue kung magkaano-ano kami noon.

Kinalimutan nya na ako eh.

Sa pagkakatanda ko, nagkaroon kami ng konting pag-aaway bago siya umalis. Grabe naman yata siya kung gagawin niya yon dahil lang dun. Pero bakit ngayon parang wala siyang naalala?

Nagpapanggap lang ba siya? O tuluyan nya na akong nilimot sa nakaraan niya?

---

Clues everywhere~~~

Alam niyo na ba yung plot? Let's see. Hoho.

Comments pleaseee. ^_^

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon