Chapter 2 - They met

893 16 0
                                    

KATHRYN

Bad mood ako ngayon.

Oo, bad mood ako ngayon.

Bad mood ako.

Oo, Bad mood--TEKA! Ba't ba paulit-ulit ako?

Napabuntong hininga ako. Nababaliw na nga ata ako.

Ako ay kasalukuyang nagdadrive papuntang school ngayon. Oo, may lisensya na ako. Huwag niyo ng itanong kung bakit.

Alam nyo ba ang nangyari kahapon?

Siyempre hindi pa, Kath. Hay nako. May pagkatangga ka rin minsan eh!

Di ko nalang pinansin ang bulong ng konsensya ko. Mapagkamalan pa akong baliw nito eh.

Napatawa ako ng mahina.

Andito na ako ngayon sa school.

Hala! Late na talaga ako! 1st day na 1st day mala-late ako. Ano ba naman yan!

Lakad-takbo na ang ginagawa ko ng biglang..

*Boogsh!!*

"Aray! Ano ba naman yan?! Kitang nagmamadali yung tao eh! Bwisit!" Sigaw ko sa nakabangga ko.

Pa'no ba naman eh. Binangga daw ba ako? Tangna.

"Hala. Tao ka pala?!" Manghang tanong niya.

Napa-igting ang panga ko.

"Malamang! Di ba obvious?!"

"Hindi." Siya ulit.

"Wow ha?! Eh bulag ka pala eh!"

"Ang sabihin mo ang gwapo ko!" Sabi niya.

Ang hangin, ah?

"Wow! Saang banda?"

"Lahat!" Pagmamayabang niya.

"Aba at! Confident ka pa ha? Sinong may sabi, nanay mo?"

"Hindi. Pati tatay ko."

Wow! Akala ko ba ako ang pambara queen dito? Bakit ako pa ang palaging nababara?

Makaalis na nga! Walang kwentang kausap to.

"Heh! Walangya ka. May araw ka rin sakin!" Sigaw ko bago umalis.

"Okay miss sungit! I'll wait for that day!" Rinig ko pang sigaw niya at patawa-tawa pa. Urgh.

May araw talaga sakin yun! Leche!

Kaya ayun pumasok na ako sa room. Mabuti at di pa ako late.

Klase

Klase

Klase

Hay puro orientation lang naman eh. Boring.

Maka pag doodle na nga lang.

"Oh yes you may, Mr. Padilla." Narinig kong sabi ni Ms. Cruz.

Natigilan ako.

"Padilla? Hala asan na?!"

Oooops. Napalakas yata ang sigaw ko. Nubenemenyen.

"Ayiee!" Tukso ng mga kaklase ko pati ni ma'am. Tumawa pa sila. Biglang uminit ang pisngi ko.

"Naka-alis na, Ms. Bernardo. Bakit? Crush mo si Mr. Padilla?" Miss.

Naku naman tong si miss oh. Ang assuming.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon