Chapter 11 - Can't be inlove

336 18 17
                                    

*Day 6 ng deal*

DANIEL

Masakit isipin na di niya naalala o talagang kinalimutan niyang sakin niya unang sinabi kung ano ang dream date niya.

Pero tulad ng sinabi ko, walang personalan. Hindi dapat ako ang masaktan sa pinapakita niya.

Dapat siya ang masaktan. Konting tiis nalang Daniel, mapapa-ibig mo na rin siya.

KATHRYN

Andito ako ngayon sa mall kasama si Julia. Matagal-tagal din kaming hindi nakabonding kaya tutal sabado naman ngayon, naisipan naming mamasyal.

"Best, balita ko nililigawan ka raw ni Daniel ah? Totoo ba?" Tanong niya.

Alam kong hindi na ako makakapagsinungaling kasi kilala ko na ang ugali ni Julia.

Inaalam niya muna kung ano ang totoo bago siya magtanong. Iyon ay para malaman niya kung nagsasabi ka nga ba ng totoo o hindi.

"Ah eh. Oo best eh. Hindi na ako nakahindi kasi kawawa naman. Kilala mo naman ako diba?" Sabi ko. Inamin ko na.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ano?! So you mean pinayagan mo siyang ligawan ka dahil lang sa naawa ka sa kanya?! Myghad Kathryn! Nahihibang kaba?!" Pangangaral nya.

Napayuko nalang ako at ngumiwi.

"Eh alam mo naman kung bakit diba? Ayoko ng may nasasaktan kaya ayun pinayagan ko na." Pangangatwiran ko.

"God! Yan ang hirap sayo Kath eh! Sinasakripisyo mo ang sarili mo para hindi masaktan ang ibang tao. At sa tingin mo ba hindi siya masasaktan oras na malaman niyang pumayag kang ligawan ka niya ng dahil lang sa naawa ka sa kanya?!" Sigaw niya.

Ingay naman nito. Parang nanay. Pero may point naman kasi siya.

"Best, pwedeng pakihinaan ng boses mo? Nasa mall tayo oh." Sarcastic na bulong ko.

"At nakuha mo pang gumanyan ah? Halika nga muna at umupo tayo doon." Sabi niya sabay hila sakin papuntang Shakey's.

"Umupo ka diyan. At mag-oorder lang ako sandali." Sabi niya.

Nako mahaba-habang usapan to.

Eh totoo naman kasi eh. Naaawa ako sa kanya. Alam ko kasing sincere siya sakin eh. Nararamdaman ko sa kilos niya.

At parang kilala ko na siya dati pa pero alam ko namang imposibleng mangyari yun.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Huy! Tulala ka diyan?" Tanong ni Julia sabay lapag ng mga pagkain.

Maya-maya eh umupo na siya.

"Oh. Ano nang balak mong gawin?" Tanong niya.

"Ah..Kumain?" Sabi ko.

Gutom na ako eh.

"Yan! Diyan ka magaling! Sa pagiging pilosopo mo! Pero when it comes to decision making, natatanga ka." Sabi niya.

Grabe 'to!

"Grabe ka naman best." Sabi ko. Natigilan ako saglit. "Best! Ano nang gagawin koo? Naiipit ako sa sitwasyon. Ayoko namang paasahin siya kasi siya lang din naman yung masasaktan sa huli, diba? Pero ayoko ding ireject siya." Dagdag ko.

Ginulo ko na ang buhok ko sa sobrang inis.

"Alam mo best, ikaw lang naman yung may kasalanan niyan eh. Eh kung bakit mo naman kasi pinaasa yung tao?" Tanong niya. "Atsaka... Hindi mo ba talaga siya gusto? As in kahit konti, wala?" dagdag niya.

Napa-isip ako.

"Eh? Ewan ko best. Pero I have this feeling na matagal ko na siyang kilala at pakiramdam ko masaya ako pag kasama ko siya." Pag-aamin ko.

"Eh iyon naman pala eh! May chance naman! Malay mo, mahulog ka rin sa kanya. Edi wala ka nang problema." Sabi niya na parang napaka-simpleng gawin iyon.

"Eh best naman eh. Hindi ganun kadali yon. Ayoko ng magtake ng risk. Ayoko na mangyari ulit yung nangyari noon. Ayoko ng masaktan pa ulit. Alam mo naman yung sinabi ni lolo diba? Naniniwala ako sa kanya." Sabi ko.

"Iyan pa ang problema sayo best eh." Humalukipkip siya. "Hindi na kita maintindihan. Alam mo sa ginagawa mong iyan, kayo lang din ni Daniel ang masasaktan." Sabi niya.

Napa-isip ako sa mga sinabi niya.

"Pinag-uusapan niyo ako?" May sumulpot na mokong.

Inangat ko ang tingin ko. Si Daniel pala.

"Huwag kang feeler boy. At bakit ka naman namin pag-uusapan, aber?" Tanong ko.

"Ah. Kasi gwapo ako?" Sabi niya.

Ang yabang talaga.

"Eh bat biglang humangin dito?! Naramdaman mo rin ba Juls? Halika, alis na tayo. Nilalamig ako eh." Sabi ko sabay hila kay best paalis.

Palusot ko lang yun pero ang totoo, iniiwasan ko siya. Ayokong mapalapit pa sakanya. Nadadagdagan yung chance na masaktan ako.

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya.

"Teka lang kath!" Sabi ni Daniel at hinabol kami.

Jusko naabutan niya kami!

"Ano yun?" Sabi ko sabay harap sa kaniya. No choice ako eh.

"Ah pwede ba kitang mayayang mag dinner?" Sabi niya.

Sht. No.

"You mean tayong tatlo?" Sabi ko.

"Nope. Tayo lang sanang dalawa." Sabi niya.

"Ah sorry Dedge, may pupuntahan pa kasi kami eh." Palusot ko.

Please sumakay ka Juls.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Sabi ni julia.

"Diba nga may lakad tayo?" Pinanlakihan ko ng mata si Julia. Mukhang di niya na gets iyon.

*kriingg* (ringtone ni Julia)

"Po? Ah sige po, ma. Uuwi na po ako. Bye." Pinatay na ni Julia ang tawag.

"Ah..best, sorry ah. Pinapauwi na ako ni mama eh." Sabi niya. Bumaling siya sa katabi ko. "Daniel, ikaw na ang bahala kay Kath ha? Hatid mo yan pauwi. Malilintikan ka sakin pag may nangyaring masama diyan." sabi niya at umalis na.

Peste ka best! Pahamak ka talaga!

"Ohhh. Wala kanang lusot Kath. I guess you're stuck with me now." Sabi ni Daniel sabay smirk.

Tang..i..na.

--

Double update yey!

Short update nga lang to at unedited. Soorrrryyy! :D

~Unica_Torcca

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon