Chapter 4 - The Deal

587 14 0
                                    

DANIEL

Hindi ko siguro makakalimutan ang nangyari kahapon.

Alam niyo kasi..

Hala late na talaga ako.

Kaya lakad-takbo na ang ginawa ko.

Hay salamat andito na ako.

Teka.

Si sungit pinapagalitan ni miss. Paktay! Siguradong sisisantehin ni sungit tong si miss.

"Why are you late ha?! Hindi mo ba alam na ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung nalelate sa klase ko?!" Miss.

Hala!

"Miss whoever you are, don't you know me? Gusto mo bang palayasin kita dito ngayon din?!" Sungit.

Ibang level talaga ang pagiging masama nito. Kahit guro pinapatulan. Tsk.

"At anong karapatan mong sigawan ako, ha?! Sino ka bang walang galang na bata ka at para maisumbong kita sa principal?!" Miss.

Ayan na. Ayan na. Mukhang sasabog na tong si sungit.

"Again, Don't you know me miss?! Well, i guess you don't and that's too bad for you! Sige, magpapakilala ako. With all due respect miss, I'm Kathryn Chandria Manuel Bernarso. Sa susunod kase, kilalanin mo ang mga binabangga mo. Go pack your things and leave this school now!" Sungit.

Grabe ha? Feel na feel niya. Mukhang nakalimutan niya yata na hindi lang siya ang may-ari ng BPU.

Hala. Umiiyak na si ma'am. Kawawa naman.

Kailangan may gawin ako dito.

Daniel FAKE hero mode: On.

Oo, peke. Hindi naman talaga ako mabuting tao eh. Kung ako siguro yung nasa lugar niya, mas malala pa dun ang gagawin ko.

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko.

Eto na. Susulpot na ako. Para mapahiya si Ms. Sungit Bernardo. Ang cute niya kaseng magalit.

Sandali lang! Ano daw?! Cute? Pwe.

"Miss! You don't have to leave."

Tangina. Nasusuka ako sa mga pinagsasabi ko.

"No. I. Said. Leave." Matigas na sabi ni sungit.

Ayun. Umalis na nga nang tuluyan si miss. Umiiyak pa.

Nagpauto naman kasi kay sungit eh.

Eh alam ko namang hindi niya kayang paalis ng ganun-ganun na lang. Pag nakarating ang ginawa ni Kath kina Mrs. Bernardo, pagagalitan iyon, panigurado.

"Bakit mo ginawa yun ha?!" Galit na sabi ko sabay hawak sa braso niya. Mahina lang naman.

Ewan ko ba to sa babaeng to at parang nasasaktan siya talaga. OA naman nito!

"Bi-bitawan mo nga ako! Kanina ka pa ha? Kanina binangga mo na ako tapos ngayon sinisigaw-sigawan mo pa ako? Hoy mister, hindi mo ba ako kilala?" Tanong niya.

Kilala kita Kath. Kilalang-kilala.

Ikaw lang yung hindi nakakakilala sakin.

"Hindi."

Sinungaling Daniel.

Hindi kita nakalimutan Kath.

Pero ako, nakalimutan mo.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon