Chapter 5 - Memories?

608 15 0
                                    

I just wanna say thank you to annabethjackson1D for my new cover. This chappy is for you.. :*

--

KATHRYN

Hay. Andito ako ngayon sa mall. Wala lang. Namamasyal. Walang magawa sa bahay eh. 

Sunday na pala ngayon. Monday na naman bukas.

Wala namang masyadong nangyari these past few days.

Hindi naman nagkukrus yung landas namin nung mokong na yun. 

Pero pa-parang namiss- no! Wala kayong nabasa.

Wala nga ba? 

Aish! Oo na. 

Para kasing matagal ko na siyang kilala eh. 

Aish! Ano ba to?! Kung ano ano tuloy yung pumapasok sa isip ko. 

Andito pala ako ngayon sa KFC. Nag-order lang ako ng mini bucket of fries, chicken burger tsaka coke. 

Ng biglang..

"Ah kath, pwede ba akong maki-share ng upuan?" Sino pa? Edi si Unggoy Padilla.

Teka? Anong ginagawa nito dito?

Ay malamang kakain. Tanga lang kath?

"Kath!! Yuhoo!" Tinusok-tusok niya pa yung pisngi ko.

Close ba kame ha?

"Huy Kath. Ano pwede ba? Wala na kaseng bakanteng upuan eh." 

Tumingin-tingin ako sa paligid at mukhang wala na nga talagang bakante. 

Hay. Edi no choice ako. 

Bumuntong-hininga nalang ako at tumango. 

"Ano pwede na ba?" 

Paulit-ulit to.

"Ay hindi siguro! Tumango na nga ako diba?! Use your common sense rin paminsan-minsan ah?!" 

"Sungit mo talaga. Sino bang matinong babae ang makukuhang sungitan ang ganito kagwapong mukha?" Hangin talaga eh no? 

"Ako." Wala akong masabi eh. 

"Aish! Wala talaga akong mapapala sayo eh. Pero alam mo ba?" 

"Hindi ko alam."

"Aish! Naiinis ako sa'yo minsan eh. Alam mo ba yun?" Tanong niya at mukhang naiinis na nga.

"Hindi ko rin alam. Ano ba?! Kulit mo ah!" Kairita to'. Naiinis pala sa akin, eh ba't pa ako kinakausap?

"Okay! Chill! Meron kaba?" 

Bastos nito ah.

"Aba't!! Bastos ka ah!"

Anong mayroon ako? Tapos na kaya yung period ko. 

"Joke lang! Ikaw talaga."

"Oh siya siya. Kumain na nga tayo at para makalayo na ako sa'yo."

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Problema nito?

"Bakit ba ang init-init ng dugo mo sakin?" Tanong niya.

Bakit nga ba?

"Aba'y ewan ko." Nagkibit-balikat naman ako. 

"Naku! Ang cute-cute mo talaga." Pinisil niya yung cheeks ko. 

"Bolero!" Napa smile ako. Teka, ako? Nag-smile?!

"Ayan! Alam mo ba ngayon lang kita nakitang mag smile? Smile ka pa nga." 

Ewan ko ba. Napasmile naman ako lalo. Putragis. Hindi pwede ito.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon