Chapter 6 - Clues

459 15 1
                                    

DANIEL

Pauwi na ako ngayon.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Aaminin ko, hindi yun ang first kiss ko.

Alam niyo ba kung sino yung nakakuha?

Si KC.

Kung sino siya? Alam niyo na siguro.

Paano? Hinalikan ko siya habang natutulog siya. Hindi ko nga alam kung counted ba yon. Basta para sakin importante yun. Napatawa nalang ako sa ala-alang iyon. Tawang may halong sakit.

Pero kahit na ganoon, may spark parin akong naramdaman nung nagdampi yung mga labi namin kanina ni Kath.

Posible kayang, mahal ko parin siya?

KATHRYN

Oh gods! Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

Nakuha niya yung first kiss ko. Inangat ko ang isang daliri at hinimas ang ibabang labi ko.

Ano ba kasing katangahan yun, Kath at binalak mo siyang halikan sa cheeks? Ayan tuloy.

Papuntahin ko kaya muna si Julia?

Sige sige. Pwede.

Siya ang bestfriend kong napakaganda (pero mas maganda parin ako. Chos!) na Julia Montes ang pangalan.

To: Hulyang Baliw (Wag na kayong magtaka. Ganyan talaga ang name niya sa contacts ko.)

Bes, punta ka naman dito oh. May sasabihin ako sayo. Dali!!

Narinig kong tumunog ang phone ko.

From: Hulyang Baliw

Teka! Bihis muna ako. Antay antay lang. Gabing-gabi na eh. -_-

Mahal talaga ako ng Bespren ko. Napangiti ako.

To: Hulyang Baliw

Bilisan mo ah? Dalhin mo na rin ibang gamit mo. Dito kana matulog. Sabay nalang tayong papasok bukas. K?

From: Hulyang Baliw

Aish! Oo na. Oo na. Makakatanggi pa ba ako?

To: Hulyang Baliw

Yes! Kaya mahal na mahal kita eh. Labyu bes!! :*

Hindi na yan magrereply panigurado. Hindi iyon cheesy eh.

Okay lang naman kina mommy na dito siya matulog minsan. Close friends naman ang parents namin.

-

May narinig akong kumatok sa pintuan. Siya na siguro yan.

"Pasok!" Sigaw ko.

At hindi nga ako nagkakamali. Siya na nga.

"Oh ano ba yang sasabihin mo ha bes at hindi ka makapaghintay?" Siya.

"Sandali nga! Maupo ka nga muna. Excited lang?!"

Umupo naman siya.

"Oh ano na?" Siya.

"E-eh ka-kase may.. may.." Nauutal ako.

Aish! Magugulat kase to panigurado eh.

"May ano?"

Naku. Eto na.

"Uhmm. Ano kase..May nakakuha na ng first kiss ko." Mabilis kong sabi sabay takip ng mukha ko.

"Ah first kiss lang naman pala--Wait..."

Ayan na..Ayan na!

"What?! First kiss?! Ikaw? Sino ang nakakuha ha? Sino?!" Siya yan.

"Teka nga! Mas OA ka pa sakin eh!" Sabi ko kahit expected ko nang ganito ang magiging reaction niya.

"Eh siyempre. Concerned lang naman ako eh! Tsaka anong first kiss? Second kiss siguro. May first kiss kana-ah wala wala. Sino ba yung nakakuha ng first kiss mong yan ha?" Tanong niya.

Huh? Anong second kiss pinagsasabi nito?

Pambihira! Mas alam pa kaysa sakin ah. Dami talagang trip nito.

"Ah ano si-si D-Daniel Padilla."

Gulat na gulat ang mukha niya.

Teka! "Bat ganyan mukha mo? Kilala mo ba siya?"

"Kilalang-kilala Kath. " Bulong niya kaya di ko narinig. 'Kath' lang yung narinig ko.

"Huh?"

"Ah wala. Sabi ko kilala ko. Sino bang hindi makakakilala dun? Eh yun ang anak ng kahati ng mga magulang mo sa BPU diba? Siya rin ang bassist ng official band ng school slash Captain pa ng basketball team. Tsaka ang gwapo at hot pa! San ka pa? Swerte mo naman bes!" Mahabang sabi ni Hulya Bruhilda.

Manghang-mangha lang eh no? Buong akala ko ay papagalitan niya ako buong gabi tapos eto pala? Tumawa ako.

"Kayo nalang kaya?! Gwapong-gwapo ka naman sa kanya eh." Kainis to.

Pagnasaan ba naman yung crush--ah este yung panget na yun?!

Wala siyang taste ah?

"Teka best. Nagseselos ka ba?" Siya.

"Masyado bang halata? Ah este hindi no! Nevah."

Tsk. Nadulas ako dun ah.

"Nako wag ka ng magkaila! Oh ano masarap ba yung kiss?"

Hmm? Mabilis lang naman iyon pero..

"Oo--ah este ang manyak mo best!"

Wooh! Ano bang nangyayari sa bibig ko? Aish.

"Ay naku! Yung best ko, lumalablayp na. Basta ito lang tung masasabi ko sayo. Mag-ingat ka ha?! Wag masyadong magtiwala sa mga tao. Baka ikaw yung masaktan sa bandang huli."

Naku! Weird naman nito.

"Ano ka ba bes! Sinasabeng hindi ko nga gusto yun eh."

"Bakit? May sinasabi ba akong gusto mo siya? Napaghahalataan kana talaga ha?! Hay nako. Matulog na nga tayo." Siya.

Ooops. Huli na ako ko dun ah.

Naku panigurado ang pula-pula ko na ngayon.

Makatulog na nga.

"Goodnight best!"

"Goodnight!" Sagot niya.

At natulog na nga kami.

Kinabukasan.

To be continued..

--

Short update. Voment guys.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon