Chapter 1 - First day

1.2K 33 4
                                    

KATHRYN

*Kringg! Kringg!*

Aish! Istorbo naman tong alarm clock ko oh! Sarap ng tulog ko eh.

Makatulog nga ulit. Goodnight world!

Teka. Bakit para may umuuga? Lumilindol ata? Pshh! Bahala siya diyan. Lindol all you want. Goodnight!

"Anak! Gising na! Ma late ka niyan. Sige ka!"

Huh? Bakit nagsasalita ang alarm clock ko? At ano raw ang tawag niya sa'kin, anak?

Hmpp! Ah basta matutulog pa ako.

"Anak, ikaw nga gumising diyan sa kapatid mo. Nakaka-stress!"

"Sige po ma. Ako'ng bahala diyan."

"Sige mauna na ko sa baba ha?"

"Sige po."

Narinig kong may nag-uusap.

Napabuntong-hininga ako.

Mag-uusap na nga lang, sa kwarto ko pa. Ano tong kwarto ko? Palengke?

"Hoy panget! Gising na diyan. Kung hindi ka babangon diyan pagbilang ko nag tatlo, yari ka sa'kin." Banta ng magaling kong kuya.

Bahala siya sa buhay niya. Kitang inaantok pa ko eh.

"Isa, dalawa, Ah ayaw mo ha?! Tatlo!"

*Blagggg!*

"Aray! Putcha naman kuya oh!" Sigaw ko. Tinulak ba naman ako?!

"Bagay lang sa'yo yan." Tumawa siya.

"At isa pa! Huwag ka ngang nagmumura! Kababaeng tao eh." Pangaral niya pa sakin.

"Wow! Magkapagsalita ka parang hindi ka nagmumura ha?" Sabi ko. Totoo naman eh.

"Oh, eh ano ngayon?" Tanong niya.

"Lunes."

Lunes naman talaga ngayon eh. Biglang nainis yung mukha niya.

"Ayan ka na naman eh! Kay aga-aga e--Oh! San ka na naman pupunta?" Tanong niya dahil nakita niya akong palabas ng kwarto.

"Lalabas malamang. Alangan namang pumasok ulit ako diba? Isip isip din kuya!" Sabi ko at lumabas na.

"Oh! Anak buti gising kana." Sabi ni mama.

"Ay hindi ma. Tulog pa po ako. Feel ko po kasing tumatayo at dumidilat habang natutulog eh." Pamimilosopo ko na naman.

Bakit ba? Feel kong mamilosopo eh.

"Nako, ikaw talagang bata ka. Hala sige maligo kana at para makakain ka na rin." Sabi ni mama.

"Ay hindi ma. maliligo ako para makaligo ulit a-" Pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Aish! Tigil-tigilan mo nga ako sa pamimilosopo mong bata ka ha! Naku ka talagang bata ka. Hala, sige layas na!" Putol sakin ni mama habang natatawa. Natawa rin ako.

Maka-pasok na nga sa banyo.

Huwag na kayong magtaka sa amin ni mama. Sa sobrang close kase namin, parang barkada nalang ang turingan namin sa isa't-isa.

Pagkatapos kong magbihis, kumain na rin ako.

"Oh anak, anong oras nga pala ang klase niyo?" Tanong ni mama.

"Uhmm. 7 po. Teka! Ano'ng oras na ba?" Tiningnan ko ang relo ko.

Hala. 6:50 na!

"Hala ma! Male-late na po ako! Sige po. Bye!" Humalik ako sa pisngi ni mama at nagmadaling umalis.

Ay teka! Hindi pa ako nagpapakilala diba?

Ako nga pala si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. 15 years old. Incoming 3rd year highschool sa Bernardo-Padilla University or BPU for short. Oo, Bernardo. Ang pamilya namin at ng mga Padilla ang may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Sabi nila, may lalaki raw na anak ang mga Padilla na kasing edad ko. Pero hindi ko pa siya na meet kahit kailan. 1 year din ako sa states eh. So that means, hindi ako dito nag 2nd year. Sa states ako nagpagaling. Basta! Long story.

I wonder kung ano'ng itsura niya. Nga pala, yung lalake kanina? Si Kuya Niel yun. Kuya ko. Obvious naman siguro.

May nakalimutan pala ako. Ako ang tinaguriang Pambara Queen ng BPU noon. Hindi naman siguro halata no? Sige papasok na'ko.

-

DANIEL

Ako nga pala si Daniel John Ford Padilla. Ang pinakagwapong nilalang sa mundo.

Ako ay 15 years old at 3rd year highschool na ngayong pasukan sa BPU or Bernardo-Padilla University. Hindi ako dito nag-aral noong 1st year. Mahirap pa kasi kame noon. Ah basta! Long story.

Actually, dalawa kaming may ari ng paaralang 'to. Ang mga Padilla at ang mga Bernardo. Sabi nila may anak daw na babaeng kasing edad ko lang din ang mga Bernardo.

Napa-isip ako. Ano kayang itsura niya? Maganda kaya siya?

Pero makikita ko raw siya ngayon eh. Aabangan ko talaga iyon. May bago na naman akong target!

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo. Ako ang tinatawag na King of Jerks ng BPU. Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin ng jerk diba? I'm proud of that. HAHA.

--

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon