Chapter 8 - Jokes

491 12 18
                                    

DANIEL

Fuck. Saan Galing iyon?!

"H-huh?" Naguguluhang tanong ni Kath.

Ayos. Mabuti hindi niya narinig.

"A-ah. Wala. Sabi ko masayang-masaya na ako kahit di mo pa ako sinasagot."

"Ah okay..." Ani KC.

May mga sinabi pa siya pagkatapos nun pero di ko narinig.

Buti nalang talaga hindi niya narinig yung sinabi ko kanina. Bakit ba kasi lumabas sa bibig ko iyon?

Kung anu-anong sinasabi ko. Tsk.

Hindi ako pwedeng mainlove sakanya. Matatalo ako sa deal kung mangyari iyon.

Tandaan mo Daniel, sinaktan ka niya noon. Huwag mo nang hahayaang maulit pa iyon.

"Huy Dedge! Ano ba?! Nakikinig ka ba?" Mukhang naiinis na tanong ni Kath.

Patay!

"Ah. Eh ano ba yon?"

"Urrgghh! Sabi ko na nga ba eh! Tsk. Sabi ko hindi mo ba ako aayaing kumain sa labas?" Tanong niya.

Demanding nito. Same old Kathryn.

Nag-isip ako ng magandang palusot.

"Sasabihin ko dapat sayo yan eh, kaso naunahan mo ako." Sabi ko.

Ang gandang palusot ah?

"Palusot kapa. Geh na, alis na tayo." Aniya sabay hila sakin.

Edi sige. Pagbigyan natin.

Nakarating narin kami sa Parking lot at sumakay na siya sa Passenger seat ng Porsche nya.

"Ako magdadrive?" Tanong ko.

"Hindi. Ako magdadrive. Gusto ko kasing mag drive ng walang steering wheel eh." Naiinip na sabi niya.

"Sabi ko nga."

Nakalimutan kong pambara queen pala tong nililigawan ko.

Sumakay na ako at nagstart ng mag drive.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko.

"Sa Restaurant malamang alangan namang sa botique." Sabi niya.

"Saang restaurant kako mo gustong kumain?" sabi ko.

Hirap talaga nito.

"Sa Earth." Sagot niya.

"Saang restaurant sa earth mo gustong kumain?" Tanong ko ulit.

"Kapag sabihin ko bang sa US, dadalhin mo ako doon ngayon?" Naiinis na tanong niya.

Napakamot ako ng ulo at naisipang dalhin nalang siya sa KFC. Alam ko namang paborito niya roon eh.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating narin kaming KFC.

Nauna na syang bumaba at dire-diretsong naglakad. Aba!

Sinundan ko na lang sya papasok.

KATHRYN

Oo, sinadya ko talagang mauna maglakad at iwan siya doon.

Gusto ko kasing mag-isip kahit sandali lang. Hindi parin nagsisink-in sa akin ang mga nangyayari.

Napa-iling ako. Ano ba tong ginagawa ko? Ba't ko ba pinasok tong gulong to? Urgh.

Bumuntong-hininga ako. Naawa lang naman ako sakanya kanina kaya ko tinanggap ang panliligaw niya.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon