Chapter 10 - Date

242 9 6
                                    

Yey! Naka ten chapters nato! Lol.

--

*Day 3 parin ng deal*

DANIEL

Naghahanda ako para sa pakulo ko mamaya.

Hindi ko na masyadong inisip yung kanina. Ngayon ang main goal ko lang ang mapaibig at masaktan siya.

Hindi yung ako ang masasaktan.

No. Nasaktan niya na ako. Hindi na pwedeng maulit pa.

"Mga tol! Kamusta na yung ginagawa niyo diyan?" Tanong ko kina Les.

"Okay na tol. Kaso etong si JC, pasaway eh. Tikim nang tikim sa luto ni Kats. Ang takaw-takaw." Sumbong ni Lester.

"Huy JC! Wag ka nga munang magulo! Ikaw pa naman yung waiter mamaya. Baka habang binibigay mo ang pagkain eh, kinakain mo din." Sabi ko, natatawa.

"Eh? Tinitikman ko lang naman kuya. At para masiguradong magugustuhan to ni Kath." Pangatwiran nya.

"Hoy! Iba ang tikim sa lamon bro." Sabi ni kats.

Nagsitawanan kme at napakamot naman ng batok si JC.

May clue na siguro kayo sa gagawin ko mamaya 'no?

"Eh Lester, kamusta naman yung balloons diyan?" Tanong ko ulit.

"Eto hirap na hirap na nga ako kaka-ihip eh. Nakakatamad. Bat pa kasi ako yung nakatoka dito?" Nababagot na sabi ni Les.

"G*go! Ikaw nag-suggest nyan. Kailangan ikaw din gumawa!" Pangaral ko pa.

"Maka g*go naman to oh. Mabuti at hindi ka narinig ni fafa Seth." Nagbabaklang sabi niya. Nakakadiri talaga to oh.

Busy kasi si Seth sa pag-aayos ng music eh. Mabuti naman at kahit hindi siya sang-ayon sa deal nato, eh tumutulong pa din.

"Hay nako, bilisan niyo na diyan. Mag-ta-time na oh." Sabi ko.

6 pm kase dismissal namin. Eh 5:45 na.

Baka maya-maya darating na si KC at di pa kami tapos.

"Waah! Malapit naaa mag alas sais! Bababa na ako ah! Ikaw munang bahala dito JC. Huwag mong uubusin ah?!" Nagpapanic na sigaw ni Kats.
Bumuntong-hininga ako. OA ang g*go.

KATHRYN

Ano bang nangyayari dito kay Dedge at bigla-biglang magtetext na umakyat daw ako sa rooftop pagkatapos ng klase?

Tsk. Ang hirap kaya umakyat doon. Bumuntong-hininga ako. Kung hindi lang ako blinack mail ng mokong na yun, di talaga ako pupunta.

Sabi kasi niya, sasabihin niya daw sa pamilya ko na kami na kapag di ako nakarating. Parang g*go.

Eh baka naman maniwala sila diba? Eww. Mahaba-habang storya pa pag nagkataon. Kaya pumayag na rin ako.
Oh 5:50 na pala. Antagal naman mag dismiss ng teacher na ito.

Halata namang walang ng nakikinig sa kanya.

Argh! Tagal!

Teka. Bat parang excited ako? No! Of course not.

Kinakabahan lang ako. Baka kung anong pakulo gawin nun. Tsk
Parang ayoko nang pumunta.

Kaso baka biglang tumalon sa rooftop iyon. Ako pa masisi.

Luhh. Ano ba tong iniisip ko? Hay.

"Class dismissed."

Yun oh! Salamat naman.

Pambara Queen meets The King of Jerks (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon