Ang kwento pong ito ay kwento skin ng mama ko lahat kami ay nagtatanong "SINO" .
________________________________________________________________
Umaga na kailangan ko ng mag handa para sa kakaining almusal at mga damit na gagamitin ng mga anak . Mayroon akung tatlong anak
Ang panganay ko ay 3rd year college
Ang pangalawa ay 1st year college
Ang pangatlo ay1st year college din din
Pagkagising ko palang ay may naramdaman na kung kakaiba hindi ko nalamang iyon pinansin . Habang ako ay nag hahanda din dahil ako ay isang guro . Alas diyes ng umaga ako umaalis dito sa bahay at hinahatid ako ng aking asawa sa eskwelahang pinapasukan ko . Pag pasok palamang ay nakikita ko na nag mga bagay na hindi naman nakikita ng iba .
May mga taong akala mo may hinahatid na anak upang pumasok ngunit hindi naman sila nakikita ng mga batang kanilang hinahatid .
May matanda
MAy bata
At marami pang iba
Habang ako ay nagtuturo sa may napansin akung aninong dumaan , ang klasroom ko pa noon ay sa ibang building ang building na ito ay may dalawang palapag sa ikalawang palapag ang aking klassroom . Pag ikaw ay aakyat sa ikalawang palapag mararamdaman mo ang kakaibang pakiramdam .
Pakiramdam mo may kasama ka
Pakiramadam mo may sumusunod sayo .
Ang istilo kasi nito ay nakahiwalay sa ibang building medyo malayo sa main building ang hagdan paakyat ay medyo madilim kahit sa umaga lalo na sa gabi kaya hindi ako nag papauwi ng madilim na .
Habang ako ay nag tuturo may nakita akung dumaan sa unang pinto at tumagos sa ikalawang pinto ng ito ay aking habulin palabas wala dalawa lamang ang room sa building sa itaas at pati na sa ibaba ng puntahan ko ang kabilang room upang tanongin ang aking kapwa guro
"Mel may nakita ka bang dumaan na ??"
"wala naman ate haydz , bakit ?
"wala naman ! baka namamalikmata lang ako "
Pag balik ko ng aking klassroom maingay at nag kukulitan nanaman ang aking mga istudyante kaya agad ko silang pinatahimik meron lang isang estudyante ang hindi talaga mahinto ang kakulitan.
"MA'AM!!!!!! ANG BATANG ITO AY PALIPAT LIPAT NG UPUAN PANO KUNG ITO AY MAAKSIDENTE SINO ANG MANANAGOT ?? "
Sabay turo niya sa isa kung istudyante. Nagulat ako sa pag sigaw nya at hindi na ko nakasagot hanngang sa sya ay umalis . Pag alis nya agad akung sumilip sa terrace ngunit walang lumabas o dumaan manlang kaya pumasok na ko sa loob at tinanong ko ang aking mga estudyante kung kilala ba nila ito .
"kilala ba ninyo kung sino sya ??
"hindi po maam "
Nagulat ako at nabigla pano nyang nalaman na makulit ito at palipat lipat gayong bawal ang magulang o bantay sa loob .
Nanatili pa ding tanong sa isip ko "SINO SYA ? "
_____________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
TRUE TO LIFE GHOST STORY
Horror1st time ko po gumawa ng horror story at true to life po ito sana magustuhan po ninyo