Hi guys kamusta po kayo?
Ito po ay own expreince ko po.---------------
April 22 2019 ng malaman kung buntis ako. Sobrang saya namin ng asawa ko dahil sa tagal naming mag bf at gf biniyayaan din kami ng anak. Sobrang tuwa naming dalawa kaso ang tuwang naramdamn ko ay napalitan ng lungkot at takot.
May 15,2019 nanaginip ako na dinugo daw ako sa panaginip ko umiiyak ako. Ginising ako ng asawa ko dahil umiiyak daw ako." hon gising bakit ka umiiyak?binabangungot ka ata."
"hon nanaginip ako dinugo daw ako! Huhuhuhu"
"mag dasal tayo hon panahinip lang yan."
Nag dasal kami ng taimtim. June 2,2019 nag paultrasound ako at nakita doon na may subhemorrage daw. Paliwanag ng OB ko may pagdurugo daw sa loob. Binigyam ako ng pampakapit at nagleave ako sa trabaho ng 2 weeks. Doon ko ulit naisip ung panaginip ko at nagdasal ako ng taimtim. July 15,2019 nanaginip ulit ako habang nasa cr daw ako dito sa taas namin may sumigaw daw na bata galing sa baba namin ang sabi nya " di yan aabutin ng 6month mamawala sya at mamatay" nagulat ako at natakot sumagot ako ng sigaw " wag ka naman ganyan hindi totoo yan". Nagising ako nun at umiiyak. Pagkalipas ng ilang buwan August 29,2049 dinugo ako umiiyak ako at sinugod sa hospital. Sabi ng,doctor ko na wala daw pag asang mabuhay ang ko dahil mag 6 months palng sya. Bigla kung naalala ang panaginip ko nag dasal ako at pinaubaya ko sa dyos ang lahat. Nanganak ako ng August 30,2019 tinusukan ako ng anesthesia pero saglit lang tumalab nakita ko sa asawa ko na tinitignan baby namin 3 seconds lang syang nabuhay. Habang nililinisan nila ang baby ko. Nakita ko ang lola ko nakasilip at tumingin skin akala ko ako ang susunduin nya nakita ko syang karga ang baby ko at nakangiti. Ang masakit hindi ko manlnh,nakarga ang baby ko dahil kailanga syang ilibing agad. Hindi ko akalain na ung mga panaginip ko ay pahiwatig na pala.
Salamat sa pagbabasa
BINABASA MO ANG
TRUE TO LIFE GHOST STORY
Horror1st time ko po gumawa ng horror story at true to life po ito sana magustuhan po ninyo