Ang kwento pong ito aynangyari naman po sa akin dun din po sa probinsya ng lola at lolo ko .
---++++----+++---+++++-----++++-----+++---
Ito po ang kauna-unahan kung experience sa mga kababalaghan.
Nasa 6-7 taong gulang ako nun grade two ako nun sa probinsya nila mama kasama ko ang pangalawa kung kapatid nun pareho kaming dun nag aral grade one naman sya dun sa probinsya namin . Ng mganpanahon na un KAKABAKABA ang usong palabas na horror noon wala kamibg kayble noon dahil tanging mayayaman lang ang kayang magpakabit masyado pang mahal noon ang kayble kaya nakikinood lang ang mga taga baryo sa may kayble alas nuebe ang simula ng KAKABAKABAbata palang ako mahilig na ko sa mga horror o nakakatakot na palabas .
Tita rona nood tayo kila aling eva mag sisimula na ang kakabakaba - sabi ko sa tita ko ayaw niya kasi akung payagan mag isa na pumunta kila aling eva dahil alam niya ang bagay na nangyayari sa barup namin .
Ano ka ba kallen gabi na at baka may makita pa tayo sa daan . sabi ng tiya ko sakin .
Please tita -sabay paawa epek sana gumana .
Hay naku kallen sige na nga pero pag tapos uuwi na tayo ng bahay ha.
Sabi ng tita koOpo . sagot ko sobrang tuwa ko ng pumayag ang tita halos sumayaw at liparin ko ang pintuan ng bahay palabas .
Pag labas namin ni tita nakita namin ang anak na binata ni aling eva nakatayo sa may tapat ng bakura namin at nakatingin sa may tapat ng bahay namin sa tapat nun may bundok paglingon namin nakita namin ang dalawang bolang apoy na paikot ikot na para bang nag sasayaw at biglang magsasanib tapos mag hihiwalay . paulit ulit at pagkatapos para pa silang nag hahabulan . natutuwa ako habang pinag mamasdan ko ang nangyayari parang gusto kung pumunta doon at makipag laro ngunit pinigilan ako ni tita at hinila papasok ng bahay dahil biglang tumigil ang apoy at parang susugurin kami pati ung anak ni aling eva sumunod samin at doon na natulog . kinaumagahan pinuntahan ng anak ni aling eva ang lugar pinag mamasdan ko lang sila mula sa malayo at pagkatapos sinabi nila samin ng tita ko wala daw bakas ng apoy doon.
Ng itanong ko sa lolang lola ko buhay pa kasi ung mama ng mama ko noon . ang Sabi niya dapat daw hinukay namin un dahil may kayamanan daw doon . na binabantayan ng mga tao o engkantong nagbaon doon .
Tnx for reading
BINABASA MO ANG
TRUE TO LIFE GHOST STORY
Horror1st time ko po gumawa ng horror story at true to life po ito sana magustuhan po ninyo