Ellion's POV:
Nag unat muna ako ng katawan bago tumayo sa kama. Nagising ako kanina nang maramdaman ko na nag aayos na si Sir Zion para bumalik sa company nila.
Ang sabi n'ya ay dinala n'ya raw ako rito kagabi dahil nakatulog ako sa sofa nakatulog naman ulit ako nung umalis na s'ya.
Inayos ko na lamang ang kama rito at naligo. Hinubad ko lamang ang boxer na suot ko at pumailalim sa shower. Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin.
"Ah sh*t!" Napamura ako nang makita ang mga marka sa aking dibdib. Mabuti na lamang at wala sa leeg ko, matatakpan ko pa ito.
Nag-ayos na muna ako ng sarili at sinimulan mag linis ng aking bar. Ilang Oras lang ang nakalipas at mag 3 na ng hapon. Kumukulo na ang sikmura ko kaya nag order muna ako ng pagkain.
Nang makarating ang inorder kong pagkain ay agad ko itong kinain, grabe gutom na gutom ako.
.
.
.
.
.
.
.
.Mag bubukas na ako ng bar dahil 6 na ng gabi. Dumating na rin kanina ang iba ko pang staff at nag-ayos.
Nakangiti kong binabati ang mga customer na pumapasok sa bar ko. Dagsa talaga ang mga ito lalo na't long weekend.
"Cosmopolitan drink, please." Boritong boses ng lalaking nasa harapan ko.
"Yes sir, coming right-" napatigil ako nang mag angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.
"I-ino?" Nauutal kong tawag ng makita ko ang ex ko from college.
"How are you Ellion? It's been years since then. May sariling bar ka na ngayon." Nakangiti na lamang ako nang mapait.
Bumugtong hininga muna ako bago sumagot. "Ayos naman ako." Malamig kong tugon.
"I see, you're so busy na siguro since you had your own bar na." Tang*na englishero pa rin.
"Yea, here's your cosmopolitan drink." Iniabot ko na lamang sa kan'ya ang kan'yang drink bago nag simulang linisin ang pinaghaluan ko nito.
"Hmm.. taste better always" hindi ko na lamang s'ya pinansin at nag patuloy sa aking ginagawa.
"By the way, it's been years since then, I think 3 or 4 years already? May bago na ba?" Napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kan'ya.
"I guess so. Nothing new." Malamig kong tugon.
"I remembered when I first brought you in a bar. That's when you first taste alcohol, after that you're always telling me how much you like to have your own bar." Anak nang tinapa! Pinaalala pa nga.
"Hmm, yea" maikli kong sagot.
Bumalik lahat ng nakaraan sa'kin, mula sa kung paano kami nag kakilala hanggang sa paano kami nag hiwalay.
*Flashback*
Nandito kami ngayon sa paborito naming bar ni Ino, masaya at nag eenjoy naman ako, mula nung dalhin ako rito ni Ino ay lagi na akong sumasama sa kan'ya upang mapawi ang stress na dulot ng Acads sa'kin. Dito kami nag lilibang at nag sasaya, dito rin kami nag ce-celebrate lagi ng monthsary namin.
It's our 26th months together and we're here to celebrate.
"One more year, ga-graduate na pala tayo" panimula ko.
"Yeah, isn't great? After grad pwede ka na mag apply and you can start building up your own bar, just like what you wished for." Mahabang tugon ni Ino.
YOU ARE READING
FUBU: POSSESSIVE SERIES 1
FanfictionOne unforgettable night, when thay just want to have some fun. Ellion owns a bar where he met Zion Penzia friend of one of his loyal customer. Zion's friend Matthew just wanted him to have some fun, he did have some fun. That fun, is where the unfor...