CHAPTER 5: Fiance

2.8K 9 1
                                    

Ellion's POV:

Tumawag si Mr. Penzia at iniimbitahan ako nito sa bahay nila, may gaganapin daw kasing celebration na para kay Zion. Pumayag naman ako at sinabihan ko na rin ang Ina ko para makapag handa s'ya at susunduin ko s'ya mamaya.

Nag bilin na lamang ako sa Isa kong staff na s'ya muna ang bahala sa bar ko dahil nga sa pupunta ako sa bahay ng mga Penzia.

Maaga pa naman kaya't napag desisyunan kong bumili muna ng regalo para kay Zion dahil celebration daw para sa kan'ya eh, siguro ay tungkol sa kompanya nila. Nakwento nga pala ni Sir Zion sa'kin na malaki ang naitulong n'ya sa kan'yang ama kaya't lumago ang kanilang negosyo at nakilala sa buong bansa.

Nandito ako ngayon sa mall upang mamili ng regalo, naisip ko ay polo shirt na lamang at pantalon ang ibibigay ko dahil hindi ko pa s'ya nakikitang ganon ang ayos.

Gusto ko s'yang makitang ganon ang suot parang ang hot n'ya tignan pag nagkataon. Nag ikot-ikot muna ako hanggang sa makita ko na ang gusto kong ibigay kay Zion.

Ilang Oras lamang ang lumipas at mag 6 na ng gabi. Tinext ko na ang Ina ko at pinaalalahanan ko na susunduin ko na s'ya ngayon. Kalahating oras lang ang nakalipas at nakarating na rin ako sa bahay at nakita ko ang Ina ko na ayos na ayos na.

"Ellion anak!" Masayang lumapit ito sa akin at niyakap ako. Hinalikan ko naman ito sa noo at yumakap pabalik.

"I miss you so much mom! Let's go na?" Pag aaya ko rito. Tumango na lamang ang aking Ina at inalalayan ko s'yang sumakay sa kotse ko.

Pinag buksan ko ito ng pinto at pinaupo sa passenger seat para maging komportable ito. Nginitian na lamang ako nito at nag pasalamat.

Umikot naman ako sa kabilang side at umupo sa driver's seat.

"Are you okay mom?" Tanong ko rito. Tumango lamang ito at pinaandar ko na ang sasakyan.

"Kumusta pala ang plan n'yo ng anak ni Mr. Penzia?" Panimula ng aking Ina.

"Ayos naman po ma, inaantay ko na lang po ang desisyon n'ya kung saan po n'ya balak itayo ang bar n'ya." Pag sagot ko rito.

"Ahh ganun ba, mabuti naman at nag kasundo kayong dalawa." Ngumiti na lamang ako at ibinalik ang focus ko sa pag mamaneho.

Talagang mag kakasundo kami ni Zion, ilang beses na nga n'ya akong nagalaw.

Napangisi na lamang ako ng maalala ang mga gabing pinagsaluhan namin ni Zion, Lalo na kagabi.

.
.
.
.
.
.
.
.

Nang makarating kami sa bahay nila Zion ay agad na may nag assist na body guard sa amin kung saan ko pwedeng i-park ang sasakyan ko.

Nang mai-park ko ito ay agad akong bumaba ng sasakyan at inalalayan ang Ina ko.

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay nila Zion, hindi ako makapaniwala sa laki ng bahay na'to, hindi na ata ito bahay, palace na ata 'to.

Ilang saglit pa ay may lumapit sa amin, ang Ama ni Zion.

"Mira, mabuti naman at nakarating ka." Masayang bati ni Mr. Penzia sa Ina ko at nginitian naman ako nito.

"Oo naman George, ikaw pa ba? Malakas ka sa'kin eh" ngumisi na lamang si Mr. Penzia.

"Kumusta na pala?" Pagbabalik tanong ni Mr. Penzia.

"Ayos naman, ito mag-isa sa bahay, busy kasi 'tong anak ko sa bar n'ya eh, Minsan lang s'ya makauwi sa bahay." Tumango-tango na lamang si Mr. Penzia at nag paalam na pupuntahan Muna nito ang iba n'ya pang kasosyo sa negosyo.

FUBU: POSSESSIVE SERIES 1 Where stories live. Discover now