PROLOGUE

114 0 0
                                    

I am walking straight, napaka-cool ng dating, nakapasok sa kanang bulsa ng pants ko ang kamay ko habang tinatahak ang daan patungo sa office ni General Brian Agoncillo.

Sa bawat hallway, may nakukuha akong atensyon mula sa mga tao ni General at hindi ko man lang binalingan ng tingin ang mga babaeng nagpapacute sa akin.

I'm about to knock the door when a senior citizen appear.

Nagkatitigan kami panandalian, pero dahil hindi namin kilala ang isa't-isa we ignored each other. I don't have interested in a old woman. Kahit galing pa sya sa loob ng office ni General hindi ako nagkaroon ng interest na tanungin siya. It's not my business after all. Nandito din ako para sa sarili kong trabaho.

"Dust! I'm glad you come!" Sinalubong ako ng kumukulubot ng mukha ni General, palibhasa 5 years na siyang senior citizen. Baka nga yong babaeng nakasalubong ko kanina, chikababes niya.

"It's annoying coming here. I'm on my rest day, General Brian Agoncillo." Ipinakita ko ang pagka-disgusto sa ginawa niyang pagtawag sa akin kanina para lang papuntahin ako sa office niya, pagkaaga-aga.

Bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ko, " Your 1 month vacation is done. Your work is waiting for you."

Napaupong-pahiga ako sa bangko, sa harap ng table ni General mismo. Kabastusan iyon, pero dahil siya ang may kailangan, pagtiisan niya ang ugali ko.

"Mukhang hindi pa naman ako tuluyang nakakabalik may assignment na agad ako."

"This is a special assignment..." Sumeryoso si General, dahil kilala ko sya alam kong hindi nga basta-basta ang trabahong ibinibigay niya.

"Blackbox Mafia is a drug syndicate. Hindi lang sa Pilipinas pati sa whole Asia. Sila ang top priority natin."

"One of blackbox Mafia killed Rian, right?" Hindi nakasagot si General at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya pero agad niyang binura at domoble ang seryosong tumingin sa akin.

"Week ago, nakipag-ugnayan sakin ang isang myembro ng Mafia na tumataliwas na sa kanila. Pero nito lang natagpuan siyang puno ng saksak ang katawan at binalak pa syang putulan ng ulo. Napaka-brutal ng pagpatay sa kanya at ayon sa report ni Kapitan Aloja, nalaman ng Blackbox Mafia ang pagtatraydor niya kaya pinatay siya."

"Do you want me to hunting those Mafia?" Umiling-iling si General.

Binaling niya ang paningin sa drawer na nasa table at may kinuha doon. Bago niya inilapag sa table ang hawak niyang envelope, tumingin ulit siya sa'kin.

"There's one thing na hindi alam ng Blackbox Mafia...na may 15 Billion na hawak si Mr. Moonlight at isang container drum na droga."

What the fuck! That's so big money!

Wala akong masabi sa revelation ni General, sa 5 years ko sa military hindi man lang ako nakahawak ng one fourth ng sinabi niya. Kahit igugol ko pa ang buong buhay ko sa trabaho hindi ko kikitain ang ganung kalaking pera.
 

"Did you know where is it?" I'm not interested on that drugs and money. Sa oras na makuha ng Blackbox Mafia ang drogang iyon maraming buhay ang masisira.

"No. That's why you need to protect his daughter." Saka niya inilapag sa harap ko ang hindi kalakihang litrato ng isang babae.

Nadampot ko iyon out of curiosity... Dahil na rin sa gandang taglay ng babae.

"Ninong! She's the one! Mabibigyan ko na kayo ng apo----"

"Sniper Dustin Crimo Bautista this is not a joke!"

"Opo, nong!"

"How many times do I need to tell you don't called me ninong when I'm on my duty!"

Napayuko ako wala sa oras. Nagbiro ata ako ng wala sa lugar.

Bilang paggalang at dahil galit na si General, napaayos ako ng upo, pati likod ko tuwid na tuwid.

"Then, sorry! I refused the mission."

I am serious. I am Sniper for 5 years on military tapos gagawin lang akong protector ng presinto niya.

Gusto kong ipamalas ang pagiging sniper ko at hindi ko iyon magagawa sa pag protekta ng isang anak ng MAFIA.

"You need to take this mission, Bautista! Bukod sa siya na lang ang pag-asa para matukoy ang Blackbox Mafia, siya rin ang nakakaalam kong nasaan ang pera at droga. Nanganganib rin ang buhay niya dahil paniguradong ha-huntingin siya ng Blackbox Mafia." Seryoso si General doon at tulad niya seryoso din ako sa naging pasya ko. Hindi ko gusto ang mission na inaalok niya, gusto kong assignments yong ako ang mangha-hunting sa kriminal.

"My talent is sniping not protecting. I am sniper not protector. I want to shot the target on their head at hindi ang iiwas sila sa bala." That's my way of refusing. Ang gusto kong mission barilin sa ulo ang target ko at hindi ang iiwas siya sa bala.

Kahit alam ko naman, I can't do anything but to follow his order.

"I am General Brian Agoncillo not asking but ordering you to protect the Mafia's Daughter."

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon