KINABUKASAN matapos kong mapapayag si Miss Moonlight sabay kaming nagtungo sa bahay nila. Naghihintay sa amin ang ilang myembro ng Elite Team sa mismong kanila.
" Bautista! May nagawa ka rin tama haha!" Bumungad sa akin ang nang-aasar na Cantero. Makagawa ako ng tama at mali talagang ginagawan niya ng issues. O talagang trip nya lang akong badtripin?
Hindi ko na lang siya pinansin at inalalayang makababa si Miss Moonlight sa motor ko. Pagkatanggal ng helmet ni Miss Moonlight...napanganga si Cantero at Dellafuente.
"Mas maganda ka talaga sa personal." Take note; nakanganga pa si Dellafuente sa harap ni Miss Moonlight. Mukha siyang tanga.
"T-thank you?" Naiilang na sambit ni Miss Moonlight na halatang hindi alam ang sasabihin.
"Hi. I am Aiahkeen Flamin, remember me?" Marahas na hinawi ni Aiah ang dalawang tarantado.
"I saw you last time na nagpatawag ng meeting si Gen. Agoncillo para ipakilala sa akin ang team na humahawak sa kaso ni daddy... You're one of them." ngumiti si Aiah at tumango-tango.
I remembered that day pero hindi ako naka-attend sa meeting because I'm on my rest day. Tinawagan naman ako ni General non but I refused the meeting. Kaya siguro hirap na hirap si Miss Moonlight na paniwalaan ako.
Ganting hinawi ni Cantero si Aiah at muntik na itong matumba mabuti at nabalanse niya ang sariling katawan. Tiningnan niya ito ng masama pero hindi siya nito pinansin.
"How about me? Remembered the name of mine? The most handsome guy in Republic of the Philippines." Nagpogi post pa si Cantero na ikinangiwi ko. Gusto kong masuka sa mukha niya. Pati nga si Miss Moonlight naiilang na sa kanya at hindi lang magawang magreklamo.
"Leave her alone, Casim Cantero. Made in Nigeria ka.." si Dellafuente naman ang umagaw sa eksina niya.
" I know, you can't remembered my name but my sexiest body and handsome face will remain me in your heart. Let me tell you my name again, it's Hashim Dellafuente."
Pinagbabatukan ko sila pareho. Puro sila kalokohan. Hindi kami nandito para sa kalokohan nila nandito kami dahil sa trabaho.
Sinamaan nila ako ng tingin pero binalewala ko lang yon."Stop your nonsense guys. Let's go to do our job." Nauna na kaming pumunta sa may main door ni Miss Moonlight. Ayaw nyang ipagkatiwala sa akin ang susi. Talagang may trust issues siya sa lahat ng tao.
Nang mabuksan ang pinto napansin ko kung paano matigilan si Miss Moonlight. Kitang-kita ko kung gaano kahirap sa kanya ang bumalik sa tahanan na puro alaala nang pamilya ang nakikita niya.
"If you ca----."
"No! Sasamahan ko kayo."
Agad siyang pumasok sa loob at bumungad sa amin ang puro litrato nilang pamilya. Nakita ko pa ang babaeng kamukha niya, ayon sa files na nabasa ko mommy nya iyon na namatay sa car accident, lumipas lang ang anim na buwan sumunod naman ang kanyang ama. Kaya pinipilit ko na lang din na intindihin siya kahit kating-kati akong pilitin siyang sabihin sa akin ang lahat nang naglalaman niya para ma-case closed na ang kaso ng daddy niya. Isa ring insulto sa akin ang maramdaman at worst ipamukha sa akin na hindi ako katiwa-tiwala.
I try to understand her. Sino nga naman ako para pagkatiwalaan niya?
"Aiah, Cantero and Dellafuente check the second floor specially Mr. Moonlight room." Nang tumango ang tatlo sumunod ako kay Miss Moonlight na patungong kusina.
Nang makita ko ang mga mata niya na punong-puno ng hinagpis gusto ko na lang umalis sa lugar na ito at dalhin siya kung saan malayo dito. Pero hindi...hindi pa tapos ang trabaho.
BINABASA MO ANG
Protecting the Mafia's Daughter
Losowe50% Romance | 50 % Action Mr. Vanor Moonlight is a Blackbox Mafia member, he is not the boss but he's important to the group. Matapos nyang tumiwalag ng palihim at traydorin ang kanyang kasamahan, ito ang nagdala sa kanya sa hukay. Kaya nang mamatay...