CHAPTER 11

10 0 0
                                    


KING EROUS PAKERSON POV

"Hey, where is Shynore?"

Nakangising ibinaba ko ang hawak kong bote at hinarap si Axxeim.

"Ha? Bakit mo sakin hinahanap? Ikaw ang kaibigan, dapat alam mo kung nasaan."

Marahas niyang kinagat ang ibabang labi dahil sa inis. Alam kung gusto nya akong bulyawan pero hindi niya magawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan, pakialamero." Sinamaan nya ako ng tingin pero mas ikinatuwa ko lang iyon.

"King Erous Pakerson, katulad ko, gwapo rin ang pangalan ko at hindi pakialamero." Inirapan nya ako. Kitang-kita ko kung paano siya mapikon sa akin pero hanggang doon lang yon.

Hindi niya pwedeng gamitin sakin ang mala-assassin niyang talento o kaya ang mapaglinlang niyang mukha.

"Nasaan si Shy? Pati ang gagong Bautista na 'yon?"

" Are you asking because you're concern? Or because.... your planned is not successful?" Napangisi ako ng makitang napalunok siya sa sariling laway.

Muli akong dumampot ng alak bago umalis sa harap ng bartender. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

Ang bilis talaga bumaliktad ng tadhana, parang kahapon lang ako ang habol ng habol sa kanya pero tingnan mo't siya na ang nasa kalagayan ko ngayon. Pinagtutulakan nya pa ako palayo kaya gustong-gusto ko ang eksena ngayon na siya ang naghahabol sa akin.

"Pakerson, please! I just want to know if she's okay."

Napahinto ako sa paglalakad at halos matawa ako sa sinabi niya. Sing-gulo ng buhok niya ngayon, ang ugaling meron siya. Paiba-iba, pabago-bago. Minsan maganda, madalas masama.

"Baka patay na. Sa dalawang araw na wala sila at hindi bumabalik dito sa Moon Hotel, baka, nilalangaw na ang katawan nila."

Nakatanggap ako ng batok mula sa kanya. Matatalim na tingin rin ang ibinabato niya sa akin. Inis na inis.

"Aray, ha! Naramdaman ko sa kamay mo ang concern..." nginiwian ko siya pero hindi nagtagal ngumiti rin..." At saka kung paano ka naiipit sa sitwasyon kaya pinili mong sirain ang taong pinoprotektahan ka ng sobra. Nasa pisngi ko pa ang palad ni Miss Moonlight."

Biro ako ng biro pero seryoso naman ang kausap ko. Ang hirap niyang ka-bonding. Hindi man lang sumakay sa trip ko.

"Tell me is she okay?" Parang na plantsa ang mukha niya sa subrang tuwid nito. Wala man lang kahit kaunting emosyon na nakaukit dito.

"Ang gulo mo talaga..."ginulo-gulo ko pa ang buhok ko...pakiramdam ko ako ang namomroblema sa mga pinagagagawa niya.

Pinahamak nya yong tao tapos tatanungin kung okay lang ba?

"Stop pretending okay. Wala rito si Miss Moonlight para magbait-baitan ka." Tila nakakapikon rin ang pagpapanggap niya.

Sa lahat, yong backstabber ang pinaka-ayaw ko. Yong mapagpanggap na tao at kapag nakatalikod ka saka ka sasaksakin ng mga matutulis na salita. Hindi lang basta salita, siya ang palaging dahilan ng kapahamakan ni Miss Moonlight. Siya na kaibigan, kapatid, ang turing ni Miss Moonlight pero nilalagay nya sa masamang kalagayan yong taong pinapahalagahan siya.

"Show your true color. The real you not the pretender one."

Tiningnan ko sya ng seryoso at gumanti naman siya. Magkaharap kaming dalawa at walang gustong ibaba ang pride ng bawat isa.

"I have no time for your so-called sermon. I don't even care about it."

"Ha?! Hahaha! Ang tigas mo rin 'no?" Napipikon akong natawa sa kanya.

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon