CHAPTER 7

11 0 0
                                    


SHYNORE POINT OF VIEW

"What? Hindi siya pwedeng patalsikin sa Moon Hotel? Bakit? Sino ba ang backer niya at natalo pa ata ako? Ako na tagapagmana ng Moon Hotel."

Nanggagalaiti ako. Hindi iyon mabura-bura simula ng ma-encounter ko ang bumastos kay Axxeim kagabi sa Moon Bar hanggang ngayon dito sa Manager Office.

Nagfile ako ng complain to get him out pero hindi ko inaasahan ang sagot na makukuha ko.

"Yes po, Miss Moonlight. Naitawag ko na po 'yon sa replace owner nito." Nangunot ang noo ko, nagtataka.

"Replace owner? Who is she or he? Bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?"

Napaayos ng salamin ang manager. " Miss Moonlight, your father prepared all things. He planned everything."

Alam ko iyon. Pero ang alam ko lang naayos na nya ang lahat para sa akin pero hindi ko alam kung anu-ano ba ang inayos niya para sakin.

"May karapatan naman siguro akong malaman kung sino ang replace owner ng Moon Hotel mula nang mawala si daddy? Ako pa rin ang totoong tagapagmana ng Hotel at sooner or later maaari ng mailipat ito sa pangalan ko."

It's turn out na nawala ang main reason ko kung bakit pagkaaga-aga sumugod ako sa office niya at napalitan iyon ng pagiging curious sa taong kasalukuyang namamahala sa Moon Hotel, na sa tagal ko dito hindi ko man lang nakikita kahit anino niya.

"Tulad ng sinabi ko, your dad planned everything at kasama doon ang manatiling ligtas ang mga taong pinagkakatiwalaan niya."

"Manager Young, bigyan mo ako ng sagot kahit man lang tungkol don sa isang staff nyong inirereklamo ko." Naiinis ako. Pakiramdam ko wala akong papel sa hotel na ito at kahit ako ang tagapagmana nito hindi ko pa rin hawak ang pamamalakad dito.

Hindi ko naman masabing akin to,  dahil nasa huling liham ni daddy ' All our properties is already transfered in your name encluded the Moon Hotel but you can't handle it as long as my cases is not solve yet.'

"About that guy, I really don't know kung saan siya galing but one time pumasok siya sa office ko at may dala-dalang sulat kamay ng daddy mo with signature over printed name and thumbmark. Pina-verified ko yon ten times just to make sure na hindi iyon fake pero totoo talaga, thumbmark yon ng daddy mo...no fakes." Kahit gusto kong kumontra wala akong magawa. Kanino ako magrereklamo? Sa daddy kong pa tatlong buwan ng wala? Sa mga tauhan niyang sinusunod lang ang kanyang mga salita? Mga huling habilin.

Sabi niya nakahanda na ang lahat para sa akin pero bakit puro mga tanong ang inihanda nya sakin?

Nanlulumo akong napatingin sa Manager. Hindi makapaniwala at naguguluhan sa lahat nang natutuklasan ko kada-araw. Bakit mas lalong humihirap ang lahat sa bawat araw na lumilipas?

Bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa balikat ko. Si Manager Young iyon, nakikisimpatya sa dinadanas ko ngayon.

"Don't worry ija, lahat ng trabadors sa Moon Hotel kakampi mo. Just trust to your father planned." Pilit akong tumango-tango.

Daddy ko ang nagplano sa lahat ng ito kaya dapat kong iasa ang lahat sa pinaghirapan niya na kahit wala na sya tuloy pa rin ang mga plano nya.

"I'm sorry for not helping you about your complain..."bumalik muli si Manager Young sa kanyang table at may kinuha don sa drawer. "Here. Your father left this letter last time he visited the Moon Hotel. Kung alam nga naming huli nya na pa lang bisita yon sana nagbigay kami ng oras sa kanya.." Naging malungkot bigla ang mood ni Manager Young. Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya niya sa sinapit ng daddy ko. Nandoon ang lungkot. Panghihinayang. Pagkaawa. Pangungulila.

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon