CHAPTER 3

24 0 0
                                    

After we heard those scream from Axxeim room pareho kaming napatakbo papasok ng room niya.

Sinalubong kami ng isang staff na nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Axxeim.

"Who are you? Anong ginawa mo kay Axxeim?" Iniharang ko ang katawan ko kay Shy at ako ang humarap sa lalaking staff.

"I d-don't do a-anything." Nanginginig na ang lalaki sa takot.

"Go inside." Sininyasan ko si Shy na pumasok sa loob ng kwarto ni Axxeim na agad nya naman ikinatango.

Handa na sana akong harapin ang lalaki nang hindi ko inaasahan na itutulak nya ako kaya nakatakas siya sa paningin ko. Hindi ako pumayag at hinabol ko siya.

Nakita ko siyang sumakay sa elevator pataas. Sinubukan kong habulin ang pagsara non pero hindi ko nagawa kaya wala akong choices kundi ang maghagdan.

Halos 6th floor ang tinakbo ko para makarating sa rooftop. Bigla kong napansin ang dumidilim na langit pero hindi yon ang pinagtuunan ko nang pansin. Hinahanap ko ang lalaki. Hindi siya maaaring makawala sa akin.

Nakarinig ako ng kaluskus mula sa pinto na nandito sa rooftop. Cleaning room iyon kung saan dito nakalagay ang iba't-ibang panglinis sa hotel.

Pumasok ako doon at hinanap ang lalaki. Hindi ganun kagulo dito at maayos ang pagkakasalansan ng bawat cleaning materials at ang nakaawang na pinto ng drawer ang natanaw ko.

Walang pag alinlangan kong binuksan yon at tumambad sa akin ang lalaki.

Kitang-kita ko kung paano siya mapapikit at magngitngit ng sariling ngipin. Hindi natatakot ang itsura niya kundi napipikon pa. Lumabas siya sa drawer at kita ko kung paano siya manggigil dahil sa litid niyang nagsilabasan sa kanyang leeg.

"Anong ginawa mo?" Hinarap ko siya ng seryoso.

"Wala. She's crazy I guess." Parang hindi siya yong taong nakaharap ko kanina. Bigla atang nawala yong takot na ipinakita niya kanina. Mapaglinlang siya.

"She almost screams to death tapos sasabihin mong wala." Magkaharap kaming dalawa habang parehong seryoso ang tingin sa isa't-isa.

"I told you she's crazy." Nginisian nya ako, namimikon. Kalma lang naman ako habang nakikipag-usap sa kanya but deep inside may ibang tumatakbo sa isip ko talaga.

"Ano ang pakay mo?"

Muli siyang ngumisi, " I'll better to fight with you than telling you."

Naghanda siya sa pag-atake. Ikinuyom niya ang kanyang kamao na tila handang-handa ng makipagsuntukan sa akin.

Ngumisi rin ako. Mukhang mapapalaban ako ngayon at hindi ko ito aatrasan. Matagal-tagal na rin nong huli akong makipag-sparing.

Ginalaw-galaw ko ang ulo ko bilang paghahanda sa laban ko tsaka ko ikinuyom ang kamao ko. Pareho kaming gumalaw sa loob ng areang ito... Paikot-ikot at naghahanda sa pag-atake ng bawat isa.

Suntok, ilag, sangga, bwelo at atake ang pareho naming ginawa. Natamaan ko siya sa may bandang sikmura na ikinabagsak niya pero agad ding bumangon para gumanti at umatake.

SHYNORE POINT OF VIEW

"Axx! Axxeim!" Naabutan ko siyang umiiyak at nanginginig sa ibabaw ng kama niya.

Agad akong sumampa sa kama at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang takot niya. Buong katawan niya ay umuuga at nanlalamig ang makinis niyang balat.. hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari o dahil malamig lang ang paligid dahil sa Aircon?

"Anong nangyari? Anong ginawa sayo?" Tarantang tanong ko.

"I d-don't know...I j-just...I just saw him on my top. Hindi ko alam.. natatakot ako!" Muli siyang humagolgol kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya at iparamdam na ligtas na sya...na nandito ako at hindi na sya mapapahamak pa. Pero nanikip ang dibdib ko nang maalalang isa ako sa dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon