"BAUTISTA, I got a called from Haliya! Ready for a quick operation. I'll send you the address and make sure na mauuna kang dumating sa location. Find the spot that you can see the whole Blackbox Area, Got it?!
"Yes, Captain!"
Ang dire-diretsong tawag ni Captain Aloja ang gumising sa nanlalatang katawan ni Dust. Ang balitang yon ang nagpagising sa buo niyang diwa, yong kaninang lantang-lanta at ayaw pang mapugkit na katawan sa kama naging magaan at subra pa sa paspasan ang pagkilos na ginawa para makarating sa area.
"SPO2 Brianna Cordeja!"
"SPO3 Hashim Dellafuente!"
"SPO3 Casim Cantero!"
"Sir! Ready! Sir!"
Nagroll call si Captain Aloja sa natitira niyang team mate pati sa back ups niyang kasama.
"Team! Move!"
Hanay-hanay at mabilis silang lumabas ng building nang makapaghanda ang mga ito sa loob ng sampung minuto. Handa na silang sumugod at manggulat.
Tatlong sasakyan ang nao-occupied ng team elite kasama ang back up. Papasok sila sa lungga ng mga mababangis na hayop kaya kailangan nila ng maraming tauhan.
Positive nga na may negosasyong nangyayari sa Blackbox Bar at ngayong araw magaganap ang transaksyon sa pagitan ng isang hapones at drug sindicate na nagngangalang Lazaro Makuto.
"Are you all prepared?" Pagkasagot na pagkasagot ni Falcon sa tawag ni Lampasagrado ito agad ang ibinungad sa kanya.
"We're just waiting to our teams and back ups."
"Mag-iingat kayo. Marami sila. Sikapin mahuli si Mr. Lazaro Makuto, siya ang pinagkukunan ng supply sa China Town."
"How about you? Did you come back after this operation?" Seryosong tanong ni Falcon. Kaibigan niya ang kausap, hindi lang basta kaibigan kundi parang kapatid na.
Pero dahil sa malaking kasong hawak nila at binigyan sila ng kanya-kanyang parte o gagawin sa kaso, nagkahiwalay sila at madalang ng magkita.
Pero ang lahat naman nang sakripisyo ay nagkaroon ng magandang bunga? Na-confirmed nila na myembro nga ng sindikato si Mr. Lazaro Makuto na isang politician, na noon pa man pinaghihinalaan na nila kahit wala pa sa kamay nila ang kaso ni Mr. Moonlight.
"No. Captain Aloja wants me to investigate and find their main lab since nakapasok na ako sa sindikato. Pero isa lang ang sigurado ako, nasa sanga pa lang ako at malayong-malayo pa sa ulo ng lahat nang ito."
"Take care, bro. Wag ka magpapahuli. Bria, waiting for you."
Namula ang mukha ni Lampasagrado. Nahihiya. Kinikilig. Pero ano ba ang magagawa niya he's in love to his team mate name, Brianna Kolonel.
"Bro after this cases solved, aayain ko siyang magpakasal."
"Gago!" Sininggahan lang siya ni Falcon na tatawa-tawa pero pagkamot lang sa batok ang nagawa ni Lampa kahit hindi naman iyon nakikita ng kasama.
Hindi kalaunan, bumalik ang isip nila sa gyerang magaganap. Kapwa sila sumeryoso, may pangamba pero lamang ang kagustuhang ma-accomplish ang operation na ito.
"Stop with the chitchat guys. Captain Aloja is already here and I'm ready to attack!" Mula ang tinig na yon kay Esmael na handang-handa na nga. Nakasuot na ito ng Police sheild sa katawan at hawak na nito ang mahabang baril. Ganun din si Haliya.
"In the count of 10...9...8...Be ready!" Kasabay nang pagbibilang ni Lampa na rinig na rinig ni Bautista, Captain Aloja, Bria, Falcon, Haliya, Aiah, Esmael, Cantero, Dellafuente gamit ang earpiece na nakakonektado sa buong elite team kumilos ang lahat, naghanda para sa atake.
BINABASA MO ANG
Protecting the Mafia's Daughter
Random50% Romance | 50 % Action Mr. Vanor Moonlight is a Blackbox Mafia member, he is not the boss but he's important to the group. Matapos nyang tumiwalag ng palihim at traydorin ang kanyang kasamahan, ito ang nagdala sa kanya sa hukay. Kaya nang mamatay...