CHAPTER 14

27 0 0
                                    

Pagbaba ko sa hagdan para sana kumuha ng pagkain sa kusina boses ni Dust ang sumalubong sakin sa sofa. May kausap siya sa cellphone. Hindi naman ako  chismosa pero ngayong oras gusto kong palihim na pakinggan ang usapan nila kahit hindi ko kilala kung sino ba ang kausap niya. Umandar ang pagiging curious ko.

"Baby, don't wear a clothes like that.."

"No. I'm not allowing you to wear that. Kapag nakabalik ako susunugin ko talaga 'yang sexy dress na sinasabi mo." Maotoridad nitong bigkas sa kausap. Seryoso ang mukha niya at halatang hindi nagbibiro sa sinabi. Kitang-kita ko rin ang galit sa mukha niya at hindi pagka-disgusto sa sinabi ng kausap.

"I'm not with other woman. You only one, my baby." Kita kong nagsalubong ang kilay niya. Nagtataka at nalilito rin.

"Come on, baby. Nasa trabaho ako. Magkasama kami dahil trabaho ko ang ingatan, protektahan at panatilihing siyang ligtas. You know it already, did you?" Are they talking about me?

Napabuntong hininga siya bago ibinaba ang cellphone. Dahil basta lang ako nakatayo dito sa may hagdan agad nya akong napansin.

"It is Aiahkeen Flamin?" Pinagtunog normal ko ang pagtatanong ko. Yong hindi halatang may gusto akong kumpirmahin.

"H-ha?" Halata ang pagkalito sa kanya.

Bumuntong hininga na lang ako at nilampasan ang sofa kung saan siya nakaupo.

"Iinom lang ako."

Dapat kukuha ako ng makakain sa ref pero mukhang hindi kayang mag digest ng sikmura ko ngayon kaya tubig na lang ang kinuha ko.

Sinampal ako ng katotohanan sa usapan nila kanina. Tama naman, eh! Tama naman na pigilan niya ang 'baby' niyang magsuot ng mga ganung-uri ng damit. Minsang hiniling ko na sana may pipigil rin sa mga gusto ko. Ang sweet niya. Nagpapaka-boyfriend talaga siya doon sa tao.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako sa kusina para ayusin ang sarili ko pero nong sabi ko...okay na ako umalis na ako sa kusina habang may bitbit na Chuckie. Ayaw kong mag-isip siya ng kung anu-ano tungkol sa naging behaviour ko kanina.

Naramdaman kong napatingin siya sa'kin ng mapadaan ako sa sofa. Hindi ako tumingin sa kanya dahil nakakapanghina ang presensya niya.

Umasa akong tatawagin nya ako pero nasa gitna na ako ng hagdan hindi niya ginawa. Wala tuloy akong nagawa kundi pumihit pabalik sa kanya. Nag-alangan pa ako pero tinatagan ko ang dibdib ko.

"D-dust!"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta gusto ko lang siya tawagin at makita ng harapan.

"Hmmm?" Nakaabang siya sa sunod kong sasabihin. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko magawa. Wala akong boses para sa mga tanong na ganun kaya para hindi mapahiya at maging kahina-hinala iba na lang ang binanggit ko.

"Can I borrow your phone? I just want to call Axxeim."

"Wala akong load." Hindi yon ang pakay ko pero nangunot ang noo ko sa naging sagot niya. Bakit may nararamdaman akong iba?

Everytime na hihiramin ko ang phone niya ang dami niyang dahilan. Parang may tinatago sa akin. Pakiramdam ko rin ayaw niyang makausap ko si Axxeim. Dahil ba pinaghihinalaan niya ang kaibigan ko?

"Papaloadan ko." Gusto kong ipilit ang gusto ko.

"Gabi na...it's dangerous outside."

Hindi ako sumagot. Pinagkatitigan ko lang siya ng seryoso trying to read his face na para bang malalaman ko ang tinatago niya sa pagtitig sa mukha nya.

"Baka ma-trace tayo ng Blackbox Mafia kung pagagamitin kita ng phone." Sinubukan niyang magpaliwanag pero kung noong una tinanggap ko ang dahilan nyang ito...ngayon ay hindi na. Sa tingin ko ginagawa nya lang yon dahilan para pagtakpan ang totoong rason.

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon