CHAPTER 6

11 0 0
                                    


ESMAEL POINT OF VIEW

"Hey! It's almost 2 days but we didn't find anything." Ginulo ko si Falcon na kasalukuyang nakamonitor sa CCTV na palihim naming ikinabit sa harap ng Blackbox Bar.

"Shut up, Esmael. Hindi ka nakakatulong." Sininggahan nya lang ako. Napasimangot ako at walang nagawa kundi ang umupo sa bangko.

It's tiring waiting and watching the door na puro pagbukas-sara lang ang nangyayari. Wala naman ka-suspicious-suspicious don. Puro babae, bata at matanda lang ang pumapasok don, paglabas nila may dala lang silang kulay itim na kahon. I don't know what inside of that box pero wala akong paki don.

Bumukas ang pinto ng room na nirentahan namin para lang mag-aksaya ng oras dito sa Batangas. Nayayamot kong sinalubong si Haliya at padabog na kinuha ang plastics na naglalaman nang pagkain at pati alak na din. Nagtatakang tiningnan ako ni Haliya but I don't give a words.

"Anong problema nito?" Nang makalapit siya kay Falcon na busy pa rin sa computer, nagtanong siya dito.

"Miss nya siguro gumawa ng palpak na trabaho." Walang interest na sambit ni Falcon at hindi man lang ako binalingan ng tingin nito. Sumama ang mukha ko don pero walang salita na lumabas sa bibig ko.

Lumapit si Haliya sa table at kumuha ng apple sa pinamili niya. Bumaling siya sa akin."Cheer up, reporter boy. Kung boring na boring kana sa trabaho natin mas nakakaboring yang mukha mo."

"You!" Inumbahan ko siya nang suntok pero nabitin lang iyon sa ere.

"Esmael, I'm not allowing someone to hurt my love one." Binigyan ako ng seryosong tingin ni Falcon kaya napipikon kong ibinaba na lang iyon.

"Damn you, lover boy!"

"Bleee!" Inirapan ako ni Haliya at halata ko don ang pamimikon niya. Kaya kahit gusto ko siyang batukan, naupo na lang ako ng maayos at uminom ng beer.

Kaya lang hindi ko masikmura ang nakikita ko. Gigil na gigil ako habang nakapanood kay Haliya at Falcon. Subrang tamis nila. Pati Amplaya mahihiya sa ka-sweetan nila. Nagsusubuan ampots!

Nang wala nang laman ang lata ng beer na hawak ko...ibinato ko yon sa kanila. Pero bago pa yon tumama sa pwesto nila, nasalo yon ni Falcon na hindi ko naman inaasahan. Nakakabilib dahil bago ko iyon ihagis alam kong abala siya sa pagkuting-ting sa computer pero tingnan mo't nasalo pa. Napabusangot ako ng maalalang malakas nga pala ang sense niya.

"Stop disturbing us, Esmael. Panahon na para humanap ka nang chikababes mo nang hindi ka mamatay sa inggit diyan."

"Girls? Hindi na, oy! Sila yong mga kontra sa mga gusto mong gawin at palagi pa silang tama. Just like Haliya, wala ka naman talagang ginagawa nong minsan. Na-explained at detalye mo pa ang bawat pangyayari non pero hindi ka nya pinaniwalaan. Gusto nya lang tanggapin ang gusto nyang marinig at yong conclusion na nabuo ng sarili niyang isip. Tapos kino-kontrol nya pa ang buhay mo don't do this, don't do that. Subrang demanding---"

Hindi pa naman ako tapos magsalita may tumama na sa ulo ko. Bumalik sa akin ang latang binato ko sa kanila kanina.

Nakapamewang na Haliya ang bumungad sa akin. Nakataas ang kilay at subrang sama nang tingin sa akin.

Kumuha ako ng beer at ininom yon habang nakapatong sa lamesa ang paa ko. Acting cool nang sila naman ang mapikon ko."What with that look? I'm telling the truth here."

"Napakabitter mo!" Bulyaw nito sa akin habang si Falcon ay natahimik na lang at hindi magawang magkomento sa sinabi ko kaninang pagkahaba-haba. Subukan nya lang ipagtanggol itong love one niya, isisiwalat ko kung paano siya nagdrama sa akin nong gabing magkaaway sila.

Protecting the Mafia's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon