Chapter 13

2 1 0
                                    

Asty's POV

"I really enjoyed this day Asty, bumalik kayo ni Yrus dito ah?" Tita Hereya said while we are getting ready to go back at the academy. Hindi namin namalayan at mabilis na lumipas ang mga oras, we really need to go kasi may klase pa kami bukas. We did so many things like playing golf and archery, horseback riding and she even teached me how to bake. Once in a lifetime ko lang naranasan yung ganitong feeling and I'm glad kasi isinama ako dito ni Yrus.

Wala siyang palya sa pag-comfort sa'kin.

"Sino ba talaga sa'ming dalawa ang anak mo mom? Parang last week, ako ginaganyan mo pero ngayon-"

"Sure na kasi ako ngayon na babalik ka na palagi if Asty insisted. She's my key to you so? " cool na sagot niya sa anak nito. Ibinalik niya ang atensyon sa'kin habang bahagyang sinusuklay ang mga buhok ko.

"Basta, palagi mong ayain si Yrus dito sa bahay para palagi na namin siyang makita ah? Baligtad na kasi ang nangyayari, doon na siya tumitira tapos bisita na lang siya dito." malungkot na sabi pa nito. I smiled at them to lighten up the mood and as sign na gagawin ko kung ano yung ipinangako ko.

I just found out na bihira nga lang umuwi si Yrus dito lalo na kapag natatambakan siya ng duties. Yung free time niya kasi after his activities and classes, mas itinutuon na lang niya iyon sa pahinga at pagtulog sa dorm niya na minsan nilang naabutan. Pagod na pagod raw ito at walang kakayahang makabangon, they said maybe he's drained and used all of his enchant just to protect this world.

Actually, he's a family oriented person pero dahil sa role na dapat niyang gampanan sa mundong ito, unti-unti siyang napapalayo sa pamilya niya na ayaw nilang tuluyang mangayari. Nakikita ko pa naman na mahal na mahal ni Yrus ang mga magulang niya kaso wala lang siyang choice.

"Wag po kayong mag-alala. Palagi ko pong ko-konsensyahin itong anak niyo para maitaboy ko siya papunta dito." biro ko. Pagkatapos ng huling tawanan na iyon ay nagpaalam na rin kami kasi dumidilim na rin, baka daw mahirapan si Yrus lalo na at dagit niya pa ako. Doble kasi yung bigat kaya doble din yung enerhiyang kailangan niyang ilabas, nakaka-guilty lang.

"Eria."

"Hmmm?"

"Salamat."

"Para san?" I asked him. Ako kasi dapat yung magpasalamat sa kanya kasi gaya ng sinabi niya kanina, he wants me to experience the feeling of having a family which exceeded my expectations.

"For putting smile on my parents faces."

"It was you all the time Helios. Masaya silang makita kang muli." I answered him back, busy kasi siyang nakatingin sa unahan to see if there's an hindrance on our way back to the academy, Ako naman, I get that chance to look at him intently.

"Alam mo bang ngayon lang namin ginawa ang mga bagay ba yun? Most of the time, we just ate together then that's it, kaya sobrang thankful ako kasi ikaw yung dahilan kung bakit na-experience ulit namin ang mga bagay na iyon." mahabang litaniya niya kaya naman bahagya akong napangiti. Biruin mo naman kasing kung ano-ano yung pinaggaga-gawa namin so I think, he finally see how happy his parents are.

"You must do that often, it's really fun."

"Yeah, so much. Let's do that again."

"Huh?" naguguluhan kong tanong, aksidente kong naipaling ang ulo ko malapit sa mukha niya so when he faced me, our lips almost touch.

"Gusto ko, kasama ka ulit."

"You think it's appropriate? You're a elemental enchanter and a noble, tapos ako? I'm just a support enchanter who's weak at all. Do you really think, it's fine if I hang out with you again? I don't think so." mabilis na tanggi ko at ibinalik na lang sa kawalan ang tingin. I kinda feel embarassed again eventhough he's not looking at me.

HIDDEN : Amestris High - On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon